Chapter 32

215 137 69
                                    

🌹Kidnapped: The flower girl


THIRD PERSON


"Na locate niyo na ba ang lugar nito?!"  halos sumigaw na sa kaba ang binatang pulis na si SPO Theo habang inaasikaso ang biglaang kasong hawak ngayon ng kanyang team.

"Hindi pa, mahina ang signal ng phone nito... ang hirap i track." ang sagot naman ng binatang pulis na si SPO Fernando.

"Tawagan niyo agad ako kapag nahanap niyo na, Timothy! Bok! Sumama kayo sa'kin." ang sigaw naman ng dalagang pulis-- Officer Valdez habang minamadali niyang inaayos ang kanyang kasuotan at kagamitang kakailanganin nito.

Kinalampag nito ng napakalakas ang mesa sa kwarto. Nagulat ang mga kasamahan nito. "Mag-iisang oras nang nawawala ang biktima. Huwag na'ting hayaang matagalan pa tayo dito!" malakas na sigaw ng Officer at tumango tango naman ang mga kasama.

"Kung gayon ay magtrabaho na tayo!"

Kasalukuyang nagtatrabaho ngayon ang Team ng dalagang pulis sa isang kidnapping incident kaugnay sa dalagang tumawag sa telepono ng dalagang officer. Na report ito sa pulisya at dahil sa mismong dalagang officer ito tumawag ay nabigay sa kanila ang operasyon ngayon.

"Siguraduhin niyong naka-connect kami sa inyo dito. Tara na!" paalala ng dalagang pulis sa mga kasamahan.

Si SPO Theo, SPO Fernando, SPO Adriel ang naatasang maiwan at magbigay ng impormasyon, sa mga susugod naman na sina SPO Valdez, kasama pa ang dalawang si SPO Young, PO1 Bolokboc.

Akmang lalabas na sa pintuan ang tatlong pulis ng tumayo at pigilan sila ng binatang pulis--- Officer Castillo.

"Sasama ako." mariing sabi ni Officer Castillo sa tatlo.

Wala nang nagawa ang dalagang pulis at sumang-ayon na lamang sa binatang pulis, dahil ayaw niyang may ibang isipin ito ngayon maliban sa nanganganib na biktima ngayon.

Sabay-sabay na bumaba ang apat na pulis sa Headquarters. Sa kabilang dako naman, natatanaw ni Inspector Bernardo ang pangyayari at ngumiting sumaludo sa kanyang inaanak, binigay ng Inspector ang buong tiwala sa dalaga.

Pinaharurot ni Officer Bok ng napakabilis ang kotse at inilagay ang siren sa labas. May takot at saya ang nararamdaman ng bagohang pulis; Takot dahil hindi niya mawari ang pwedeng kalabasan ng operasyon at baka magresulta ito ng pagkabigo; Saya dahil sa tanang buhay niya ay may operasyon itong mahahawakan.

Samantalang nakaupo naman sa likod ng kanang bahagi ang binatang pulis na si Officer Young, wala na itong maramdaman dahil natural na lamang sa kanya ang ganitong pangyayari, ang kaisa-isang inaalala niya lamang ay ang kaligtasan ng biktima at ang dalaga pulis

Nakaupo naman sa tabi ng binata ang isa pang binatang pulis--- Officer Castillo, na walang ginawa kun'di ang ayusin ang mga gamit niya dahil hindi na niya magawang mag-ayos pa sa Headquarters sa kadahilanang nakisabit lamang ito sa mga kasamahan niya. Maya't-maya rin ang pagsulyap nito sa dalaga na walang humpay na kinakausap sa maliit na earpiece na komokonekta sa dalawang kasamahang pulis nitong na sa Headquarters.

"Oh! Ang bahay ng abductor. kasalukuyan itong nakatira sa Tandang Sora San Isidro St. 205." pagbibigay ng impormasyon ng binatang pulis--- Officer Fernando dito sa dalaga.

"Narinig niyo iyon?" lumingon ang dalaga sa mga kasama, tumango naman ang tatlong pulis sa kanya. Dahil lahat silang nasa team ay konektado sa linya ng bawat isa. Kinakailangan ng pagsasama-sama ng impormasyon upang magkaroon ng pagkakaunawaan at pagtutulungan.

Fallen Flower Where stories live. Discover now