Chapter 14

318 214 76
                                    

🌹Chaos


FLASHBACK  2014

AERIN


"Oh bakit ang asim-asim na naman ng mukha mo? Ang sarap tuloy isawsaw sa'yo itong fishball."

"Oo nga naman, ano ba meron ha. Anyare sa'yo ngayon?"

Umiling ako kina Cindy at Ellies. "Wala."

Pero meron talaga.

Meron

MERON!

MEROOOOOON!

Tumayo na lang ako at kinuha na lamang ang mga paper works na nakatambak sa table at inayos ito. Hinayaan ko na lang sina Ellies at Cindy na kumain. Nasa loob kami ngayon ng SC Office, nagpapahinga at hinihintay ang oras para mamayang meeting de avance nang buong SHS.

"Ayaw mo ba talaga 'tong fishball na binili ko? Akin na lang ha!" sambit nitong si Cindy. Tingnan mo nga naman, ito bumibisita at nagbibigyan ng pagkain, siya rin naman kumakain e! Takaw-takaw.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Kace. "Aerin, na saan ang phone mo?" agad na tanong nito.

"Nandiyan sa bag, bakit?" pinagpatuloy ko ang pag-stapler dito at hindi siya liningunan.

"Kaya pala. Kanina pa tumatawag si Kuya Adey sa'yo, hindi mo raw sinasagot." nang marinig ko ang sinabi nito ay agad kong hinalungkat sa bag ko ang phone. Chineck ko ang skype account ko at nakita ang sampung missed calls ni kuya.


Tumingin ako kay Kace, at hindi ko pa man nailalabas sa bibig ko ang sasabihin ko dito ng bigla ng mag ring ang skype account ko at nakita kong tumatawag na si Kuya.

Agad ko itong sinagot.

"Kuya!!!" kumaway ako sa camera at masayang hinarap ito.

"Oh. kamusta na riyan? Kamusta school mo?" pagtatanong niya habang minamadali nito ang pagkain.

"Hinay-hinay lang kuya, may lakad may lakad?"

"Baliw, malapit na matapos break namin may exam pa kami mamaya... Oh sino mga kasama mo riyan?"

Ipinakita ko sa camera sina Cindy, Ellies at Kace. "Kuya! Pasalubong ha!" sigaw ni Kace. Agad kong siniko ito at pinatahimik.

"Oo naman! Pagka-uwi ko may bagong pares ka na!" sagot ni Kuya sa kay Kace.

"Ako rin kuya ha! Don't forget about meeee!" sumali rin si Ellies.

"Anime T-shirt na lang sa'kin kuya ha!" pagsingit din nitong si Cindy.

"Oo! Ako na bahala sa inyo basta bantayan niyo maigi itong kapatid ko." natatawang sabi ni kuya sa kanila.

"Bias ka kuya, sarili mong kapatid di mo man mabili-bili ng gamit, pero itong mga 'to. Hay naku!" pag iinarte ko at inirapan ito.

"Aba kapatid, akala ko ba wala na naman gusto? Ay meron pala!" aniya, lumawak ang ngiti ko sa binaggit nito.

"Ang makauwi ako 'diba? HAHAHAHA" humalakhak ang tawa ni kuya, nakisabay din ang mga kasama ko.

"Oo na oo na! Basta umuwi ka lang dito okay na!" pagdadabog ko. "Lampasuhin mo mga tao diyan ah, 'wag kang papatalo." sambit ko na para na ring nag-uutos dito.

Fallen Flower Where stories live. Discover now