Chapter 10

355 230 102
                                    

🌹Curiosity kills a heart


FLASHBACK 2014

AERIN


"... and that's all for our plan in the event."

Ang huling salitang binitawan ni Louie at tinapos na ang meeting. Binigyan ito ng malakas na palakpakan kasabay ng paglipad ng mga camera sa harapan ng stage.

Agad ko ng inayos at inilagay sa bag ang mga libro, notepad, ballpen na dala-dala ko ngayon.

"Thank you for the support, Ms. President." napatingin ako sa nagsalita. Gulat kong tiningnan itong si Louie ng biglang bigyan ako ng beso.

Dumistansya ako. "Hehe. No problem. I'll support your event for your strand mates. Just tell the council kapag may problema." kinamayan ko na lang ito at nagmadali nang isakbit ang bag ko.

"Paano ba 'yan, 'di ko na kayo masasamahan sa kainan. May meeting pa kasi ako."

"No. I understand, maybe next time... Let's grab a dinner together." aniya at ngumiti na naman ito.

Susmaryosep! Huwag mo'kong daan-daanin sa mga dimples mo! Baka matadyak ko pinakamamahal mong itlog!

"Yeah. Yeah. Next time. Together." hindi ko na hinintay ang sasabihin nito at agad na kumaripas ng takbo.

Together? Mama mo together!

Nakakaloka! Umagang-umaga ang hype nitong lumandi.

As I walked along the corridor I grabbed my phone for a moment. Tumingin ako sa notes app para matingnan kung saang meeting na naman ang aattend-an ko.

Conference Room Building 3 201 10:30 AM.

"Aerin!!!"

Hindi na ako nag-abala pang lingunan ang malakas at matinis na boses na tumatawag sa'kin dahil alam ko naman kung kanino ito nanggagaling.

I stopped walking.

"Ano 'yan?" takang tanong ko kay Cindy ng makalapit na sa'kin sabay na ipinakita ang isang maliit na paper bag.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi namin alam, nakita na lang namin sa desk mo... mukhang may secret admirer ka na ha!" tumatawang sagot nitong si Cindy.

Siniko nito ni Apple. "'Di pwede. Gusto mong tutukan yan ng baril ni Tito 'yon? HAHAHA"

"A basta! Tara tingnan natin kung ano laman!" hinayaan ko na lamang silang buksan ang paper bag. Nakakahiya naman sa dapat na tumingin 'diba? Sige pagbigyan na mga bata.

Classmate ko nga pala ang dalawang ito samantalang nasa ibang strand naman sina Kace at Ellies.

"Eh?" tiningnan ko ang mga hawak nilang band aid at ointment.

"Mali pala ako, akala ko admirer. Gangster ata nagbigay nito sa'yo, in-advance na gamot para sa bugbog bibigay niya. HAHAHAHA" ani Cindy.

"Hindi talaga admirer 'yan! Sino magbibigay ng gamot? Tapos lalagyan pa simpleng brown paper ba? Nakaprint pa ng Mercury drug? HAHAHAHA" dagdag pa ni Apple sabay na nagtawanan na naman ang mga bata.

Inis kong hinablot ang paper bag. "Alam niyo, kung sino man nagbigay dito. Concern lang sa skin ko, baka kasi masira ang flawless skin na taglay ko." pag-aasar ko sa kanila. Inilagay ko ang palad ko sa braso, kumorba ng kaunti at dahan-dahan ibinaba ang palad ko sa braso. O diba! Parang model lang ng Myra E. HAHAHAHA

Fallen Flower Where stories live. Discover now