Chapter 50

157 67 0
                                    

🌹Hideout: Confession


AERIN


Pagbukas ko sa pintuan ay bumungad sa'kin ang nagkalat na tuyong dugo sa sahig.

I quietly step forward as I check everything on each sides of this room. Safety first dahil hindi ko alam baka may patibong o kung ano man ang iniwan nito dito sa lugar niya.

Iniwasan ng mga paa ko ang dugo na nasa sahig at iginala ang tingin sa sala niya. Normal lang ang itsura nito, walang kakikitaan ng kakaiba. Same as for his kitchen, marami lang na pinagkainang tinambak na sa kitchen sink.

Dumapo naman ako sa paliguan nito at nagkalat na naman dito ang sandamakmak na tissue na nabahiran ng dugo. Every part of this wash room ay nababahiran ng dugo.

Kahit may awa akong naramdaman kay Paulo at kahit sabihin na nating may sinusundan itong tao ay hindi pa rin maaalis ang katotohanan na pumatay pa rin ito. He killed a person who is precious to someone.

Kahit sabihin pa niyang wala na itong pagpipilian at ganito ang kapalaran niya.

Binahiran niya pa rin ng dugo ang sarili niyang kamay.

Tumungo naman ako sa nag-iisang kwarto dito, napansin kong hindi ito naka-lock kaya dahan-dahan ko ito binuksan.

Kusang humakbang ang mga paa ko papalapit sa bintana ng kwarto ng mapansin ko ang mga larawang nakadikit dito. Nakuha ng atensyon ko ang isang pamilyar na pictures, inalis ko ito, tinitigan ng mabuti.

Ito 'yung graduation pictures ko no'ng makapagtapos ako sa criminology, naka-uniporme pa ako dito habang may hawak na bulaklak. Nakatayo mag-isa sa stage at pilit na ngumingiti. This was also the time na inakyat ako ni Timothy sa stage para samahan.

But then. Bakit may larawan ito sa'kin? Sinusundan na ba niya ako magmula pa no'n?

I was moved out when I notice all of the pictures. Si Jane, Jeffrey and even Sheryl ay nandidito. There are also a few faces but I didn't recognized them.

Lumipat ang tingin ko sa malaking round table nito, nagkalat ang mga papel kaya ini isa-isa ko itong tiningnan, hindi ko makuhang intindihin dahil halos mga number ang name of places ang mga nakasulat. Kinompile ko sila isa-isa at itinabi sa---

Napako ng tingin ko ang isang picture frame na nasa right table ng bed. It's him Paulo together with Mr. Young?

Ba-bakit sila magkasama? They we're both smiling habang akbay-akbay siya ni Mr. Young.

Naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko, bigla akong nabahala kaya agad akong naghalungkat sa mga table at cabinet nito.

And then suddenly, I found a black box on his closet. Binuksan ko ito ay nanginginig kong hinawakan ang mga larawan nitong kasama si Kuya Adey, and Mr. Young.

There are only three pictures. Ang unang larawan ay si Paulo, mag-isa habang nakangiti niyang tinatanggap ang isang plaque, he's also wearing a police uniform. The second one would be him with my brother, naka-uniporme silang pareho habang bilad na bilad sa araw. My brother was smiling... He looked happy.

For the last picture. It's him again with Mr. Young, and it looks like nasa opisina sila. I suddenly felt somethings weird on Paulo's smile.

Pagkalapag ko sa mga pictures ay siya ring pagpako ng mga mata ko sa isang teleponong na sa kahon. Kinuha ko ang telepono ko. Mabilis na chineck ang phone ko sa number ng taong nag-text sa akin ng message patungkol sa sinasabi nitong 'Halungkatin ko ang nakaraan'

Fallen Flower Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon