Chapter 18

276 189 75
                                    

🌹Ghosting the feelings


FLASHBACK  2014

AERIN


I woke up with a loud knock on my door.

"Nak! Awsan na nakang Mama mu! (Tawag ka na ng Mama mo!)" rinig kong tawag sa'kin ni Manang Cora.

Kinusot-kusot ko mga mata ko, umupo sa pagkakahiga at saglit na tumunganga. "Opo! Bababa na po!"

Tumingin ako sa orasan. It's just 7 AM in the morning! Ang aga-aga pa. 'di ko pa nga narinig pagtilaok ng mga manok ng kapitbahay e! Gusto ko pang matulog! HUHUHU

"Aerin, bumaba ka na rito!" rinig ko naman ang pagtawag ni Mama.

Inis akong tumayo at lumabas na, tinatamad pa akong magtoothbrush. Matutulog pa'ko mamaya. Mehehe

"Oh. 'yang kapatid mo ewan ko ba napapadalas ata paglilibot." pagbaba ko sa hagdan ay napansin ko kagad ang kausap ni Mama.

"Kuya!!!" tumakbo papalapit dito at inagaw ang phone ni Mama. "Good morning kuya! Nag-breakfast ka na ba?" ngiti-ngiting wika ko. Umupo na rin ako sa mesa at sinaluhan si Mama.

"Hoy bata ka. Nag-toothbrush ka na ba?" sinita ako ni Mama.

Ngumiti na lang ako dito at hindi siya pinansin. "Kuya, may pinadala ako sa'yo, isuot mo palagi 'yon ha!" sabi ko.

"At ano naman pinadala mo ha? Baka loko lokohin mo'ko, 'di nako uuwi diyan sige!" ani Kuya Adey.

"Seryoso nga! 'Diba bukas na sa Manila ka na? Bukas na bukas din may box na sa desk mo!"

"O eto, nakikita mo ba'to? Hulaan mo kung ano laman?" biglang tanong ni kuya habang pinapakita nito ang may kahabaan at kalakihang box na may kulay black and gold na takip.

I noticed his things that were already organized.

"Hay nako kuya, ang hirap naman hulaan 'yan... Painting?" biro ko.

"Aba ang galing! Manang-mana ka talaga sa'kin!" humalakhak ito.

"Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko 'yan ha. Baka picture ko na namang natutulog 'yan!"

Inagaw ni Mama ang phone. "Kumain ka na nga muna diyan."

Hindi na muna ako nagsalita at tinuon ang tingin sa pagkain, naririnig ko pa rin naman silang nag-uusap pero hindi ko naman din maintindihan. Adults topic eh.

Napapangiti na lang ako kapag naiisip kong uuwi na si Kuya sa Pinas! Mamayang gabi na ang flight nito pero kailangan daw niya munang mag-stay sa Manila nang ilang buwan. Okay na 'yun kaysa nasa ibang bansa ito, dito safe siya bantay din siya ni Papa. Haha!

Nakita kong tumayo si Mama at pumunta sa labas, kausap niya pa rin si Kuya.

"Dahan-dahan lang, Nak." wika ni Manang. Napansin niya siguro minamadali ko ang pagkain.

Ngumiti ako dito. "Nang, baka di ko na maabutan yung si Kuya alam mo naman si Mama."

Natawa ito saka niya ako inabutan ng maiinom. Nagpasalamat ako dito at nagmadaling sinundan sila. Nadatnan kong nakasandal ang ulo ni Mama sa isang upuan. "Pinatay ko na ang tawag, magligo ka na." sabi nito habang nanatiling nakapikit ang mga mata.

Fallen Flower Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ