Chapter 13

318 214 79
                                    

🌹Temporarily stuck


AERIN


"Ano oras alis mo?" Bree asked.

"Ewan ikaw ba?"

"Papasok na niyan, gusto mo sabay na tayo?" aniya.

"Huwag na, magkaiba ruta natin baka kainin ka na naman ng bruha mong boss kapag late ka na naman."

Dahan-dahan kong nilagay ang bandage sa leeg at tinapos na ang paglilinis dito. Hindi pa totally tuyo ang sugat ko, may times na bigla-bigla na lang maglalabas ng dugo.

Ewww. HAHAHA

Buti na lang talaga nalagpasan ko ang stages na ganito. Noong bata ako takot na takot ako sa dugo pagpatay nga sa manok di ko kaya, nakukuha ko pa silang iyakan. Haha!

Pero dahil siguro lumalaki na at sa environment na pinapasukan ko, nasanay na ako, ikaw ba naman na pumunta sa bawat crime scene, purgatoryo o barilan ng mga police jusko naging tubig na lang sa'kin ang dugo.

But then, I still can't help to be afraid of blood, especially when it comes from my shitty blood of mine.

"Kain na." anyaya ni Bree.

Tumayo ako at lumapit sa table, kumuha ako ng isang pakete ng kape at ibinuhos ito sa mug ko. Kumuha ako ng mainit na tubig sa dispenser at tahimik na umupo sa harapan nito.

"Anong mukha 'yan?" She suddenly asked.

"Ewan. Kainis."

"Naiinis ka? E kung makaharang ka doon sa screw driver parang na sa movie kang ibubuhos mo na buong buhay mo don. Ano ka ngayon, wala kang magawa 'no." She laughed it off and finish her meal quickly.

Tinapon ko sa kanya at isang pocket book. Bwisit.

I just took a deep breath and looked out the window. Papasikat pa lang ang araw. Anong gagawin ko maghapon don sa site? Ni wala nga akong kakilala man lang doon. Tapos kasama ko pa lalaking 'yon.

"Hoy. Tara na kasi, sabay na tayo." Bree suddenly pulled me, I quickly sipped the coffee and left the mug on the table first.

"AISH. 8 AM pa lang ng umaga, Bree." reklamo ko habang inaayos ang jacket na suot ko, I could do nothing but to follow her out.

"Ayaw mo 'yon, ikaw ang pinaka-unang makakarating doon, batian mo sila para may makachikahan ka don, isama mo na 'yung sinasabi niyong Engineer." kalmado nitong pinindot ang elevator pa ground floor.

SIYA NGA PINOPROBLEMA KO E!

"Oo na. Oo na. Basta agahan mo uwi mamaya ha." bumukas ang elevator, tuloy lang paglakad namin papalabas ng building ng biglang may kung anong mga petals na bumulaga sa harapan naming dalawa.

I immediately get the gun I was carrying.

"Chill! Mahal na prinsesa!"

Gulat kaming napatingin sa lalaking naglalakad ngayon sa harapan namin. "Sino ka?" Bree immediately asked him. I noticed his police uniform. "Kilala mo?" And now she asked me.

Umiling ako. "No, ngayon ko nga lang nakita yan e." isinuksok ko muli ang baril sa belt ko.

He walked back to where I stood, smiling as he saluted me. "PO1 Bolokboc po! At your service!"

"PFFFTTT!" I could feel Bree holding her laughter. I'm also holding back, but I don't want to ruin the brightly shining morning of this man.

Kitang-kita ko ang sigla nito sa katawan.

Fallen Flower Where stories live. Discover now