Chapter 37

216 118 67
                                    

🌹The Man: The Whistle


AERIN


Nagising ako dahil naramdaman ko na ang pagkalam ng tiyan ko. Inilibot ko ang aking paningin at mabilis na napabangon saka hinawakan ang kumakalam kung tiyan.

Napahawak ako sa ulo at ramdam ko rin ang pagkahilo. Aish! Napasobra na naman ba ako ng alak?

"Oh. Gising ka na pala, baba ka na doon." nanlaki ang mata ko ng makita kong topless itong si Fernando na kakalabas lang ata galing ligo.

"Bakit dito ka pa naliligo?! Lumayas ka nga dito Fernando!" tinapunan ko ito ng unan at natatawa naman itong umilag-ilag.

"Ako pa pinapaalis mo? Eh ikaw nga itong nangapit-bahay! Sa labas tuloy kami nakatulog ni Adriel!" pagrereklamo nito.

"ANOOOO?!!!" gulat kong sabi saka ko nalang napansin na hindi ito ang room namin ni Bree. Yung mga gamit pa lang nila ay ibang-iba na sa'min.

"AHHHHHHHHHHH!" nagulantang ako ng mapansin ko na tanging bra lang ang suot-suot ko. Dinampot ko ang damit kong nasa sahig at mabilis na isinuot ito.

"Hoy Fernando! Sino nakak-kita sa'kin dito? 'Bat di niyo ko nilabas!" I asked. Stuttering.

"Nadatnan ka ni Adriel dito nakahiga, 'di ka na niya pinaalis." aniya saka na naglakad papalabas habang pinupunasan ang basang buhok nito.

Tumayo ako sa harapan ng malaking salamin. Napatakip ako ng bibig ng muli kong naalala ang ginawa ko kagabi. "OH MY GOD!!!" Inalis ko ang damit ko, tapos humiga pa ako sa kama. Nakita kaya niya----

"AHHHHHHHHHHH!!!!" Shit! Shit! Shit! Walang hiya ka Aerin! Takaw takaw mo kasi sa alak!

I calmed myself down.

I sighed. Nagugutom na talaga ako. Bahala na si batman! Naglakad na ako pababa at balak na pumunta na muna sa kusina ng madatnan ko ang iba na abalang nanonood sa sala.

"Oh! Good afternoon, Prinsesa!" bati ni Johann sa'kin.

Inis ko itong inirapan at tumingala, "Shit! 3 PM na?!" Ito na ata ang pinakamahabang tulog ko sa tanang buhay ko.

"Oo! Sarap tulog ah!" sabi naman ni Apple na nakasandal sa dibdib ni Clint.

"Hoy! Talo ka na sa ml!" pinagpipindot ko ang phone ni Deon na seryosong naglalaro. Nainis ito at pinagtutulak ako papalayo. 'Di man lang nagsalita!

Some are in the living room and it looks like others are walking around outside again.

I went to the kitchen and looked for something to eat, mag-isa lang akong nandito kaya sinulit ko na ang paglantak sa lechon at sisig na nasa mesa. Sarap!

"SHIT! Pmmh! Ouch!" agad akong napatayo ng maramdaman ko ang biglang pagka-ismid ko sa kanin. Umubo-ubo ako sa kitchen sink at kinapa sa gilid ang tubig.

"Here." when I heard someone who offered me something to drink. I immediately took and drank it. Muli akong napaubo ng malakas at tuluyan ng naalis ang kanin na mukhang na-stuck sa lalamunan ko. Putcha ang hapdi!

"Salamat." sabi ko at liningunan ito, napaatras at napahawak sa lalabo sa gulat ng si Adriel pala ang tao.

"Oh? Para kang nakakita ng multo diyan." aniya at umupo rin sa mesa at sinabayan sa pagkain.

"Ahh... 'Di 'no!" sagot ko at umupo rin sa mesa.

Pinagpatuloy ko na ang pag-ubos ng pagkain, saglit kong sinusulyapan ang nasa harap ko. Tahimik lang itong sumusubo sa pagkain.

Fallen Flower Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon