Chapter 11

317 221 77
                                    

🌹VAM Case


PRESENT

THIRD PERSON


Sa apat na sulok ng isang maliit na apartamento. Nagmamadaling nagtatago ang isang babaeng halos mamatay na sa takot.

"LUMABAS KA RIYAN AT KAUSAPIN MO AKO!" umalingawngaw ang sigaw ng isang lalaki. May hawak-hawak itong malaking pat holder at swabeng nagsisigarilyo. Namumula rin ang pisngi nito dahil sa kalasingan.

Nanatili pa rin nakatago ang babae sa isang maliit na cabinet. Nanginginig ang buong kalamnan nito sa takot. pagtangis na lamang ang tanging magagawa nito sa ganitong sitwasyon.

"AKALA MO NAMAN AY MATATAGUAN MO'KO." naramdaman ng babae ang papalapit na yabag ng paa sa kinaroroonan nito. Mabilis itong nagdasal at pinahid ang mga luhang halos maghalo na sa mga sugat na dumudugo sa kanyang mukha.

Bawat salita na nanggagaling sa lalaki ay halos ikamatay na ng babae. Ang mala boses demonyong na sa bawat papintig ng orasan, pakiramdam niya ay tila ba pabawas ng pabawas ang kanyang hininga.

"BAKIT BA KASI ANG TANGA TANGA MO!" malakas na sigaw ng lalaki, galit na galit nitong binuksan ang cabinet at hinila papalabas ang babae. Kinuha nito ang ashtray na puno ng maiinit na sigarilyo. Itinapon niya ito sa babaeng nakahandusay at hindi mawari ang kanyang mukha.

"SA SUSUNOD AYUSIN MO! PARA WALANG PROBLEMA! KUNG HINDI. HINDI MO MAGUGUSTUHAN ANG GAGAWIN KO!" pagbabanta ng lalaki sabay na tinuro ang batang mahimbing na natutulog.

Kahit masakit na at halos hindi na magalaw ang katawan ng babae ay nagmadali itong nilapitan ang lalaki. Mangiyak-iyak itong lumuhod sa harapan at hinawakan ang dalawang paa ng lalaki.

"Aayusin ko na, hindi na ako uulit." pagmamakaawa ng babae.

"AISH! SABI KO NG WAG MO'KONG HAWAK-HAWAKAN!" muli na naman nainis ang lalaki kaya lumipad na naman ang kamao nito sa mukha ng babae. Pa ulit-ulit nitong ginawa na para bang isang punching bag lang ang kaharapan nito.

Walang tigil. Pa ulit-ulit na pinaulanan ito ng malalakas na suntok. Wala ng magawa at hinayaan na lamang ng babae ang katawan nitong magmanhid sa sakit na nararamdaman nito masiguro lang na ligtas ang bata.


AERIN


Nagmamadali kong kinuha ang baril at pinuwesto ito sa kamay ko. I immediately locked the door as I entered the room. Kinabahan ako, dahan-dahan kong ginalaw ang mga paa at chineck ang bawat sulok ng bahay.

Pumunta ako sa kusina, clear. Gayon din sa cr nito at sala. Pinihit ko ang doorknob ng sa tingin kong kwarto nito sabay na napahinga ng malalim ng masuri kong walang tao.


But where did the noise I heard earlier came from?

Dali-dali kong isinuot ang gloves. Tahimik kong in-obserbahan ang loob ng apartment. Maliit lang ito, sakto lang sa isa o dalawang tao. Inikot ng mata ko ang mga gamit nito, maayos at malinis ang lahat. Hindi na ako nagduda dahil nabanggit sa akin ni Mr. Vera na lininis nito ang lugar ng kanyang anak.

I went back to the room again. Looked around. I was restless so I immediately checked her things. Binuksan ko ang cabinet, isa-isa kong chineck at kinapa ang bawat damit nitong naka-hanger. Tumungo rin ako sa higaan, dumapa ako at chineck ang bawat sulok nito. Malinis walang nakakapagduda.

Fallen Flower Where stories live. Discover now