Chapter 34

218 127 66
                                    

🌹Tears and Bereavement


FLASHBACK  2014

AERIN


"Aerin. Gising na, magtatanghali na at kumain ka na sa baba."

Unti-unti kong minulagat ang aking mga mata. I heard Manang Cora's voice outside, maybe nasa tapat na naman ito ng pinto.

Napahinga ako ng malalim, napatitig sa puting kisame habang pilit na nilalabanan ang aking antok.

Kinusot ko ang aking mata at umupo sa kama. Lumingon ako sa bintana at sumisilip na naman ang sinag ng araw. Nagpapahiwatig na natapos na ang kahapon at may panibago na naman haharapin ngayon.

I honestly don't want to sleep, I don't want to end an another day. Natatakot ako na baka paggising ko sampalin na naman ako ng reyalidad... na wala na ang kaibigan ko. Ayoko ng isipin si Ellies... because every time the sun goes down it reminds me of her.

and it hurts.

badly.

Nag-shower na ako at nagpalit ng damit. Pagbaba ko ay nakita kong naghihintay sa akin sina Mama at Manang sa mesa.

Nagmano ako sa kanilang dalawa at tahimik na sinabayan sila sa pagkain.

"Aerin. Papatayin mo ba sarili mo? Nakakatulog ka ba ng maayos?" I heard my mom talking to me.

Nanatili lang akong nakayuko habang sumusubo ng pagkain. Umiling lang ako kay Mama bilang tugon sa kanya.

"Anak, gusto mo bang sumama sa akin sa flower shop mamaya?" ang tanong naman ni Manang.

Tumango lang din ako sa kanya at pinapatuloy na ang pagkain.

Ilang subo lang ang nakuha kong kainin saka na lumabas ng bahay. Umupo ako sa harapan malapit sa bintana at pinitas-pitas ang mga iilang halaman na nakatubo sa gilid ng bahay.

Napatingin ako kay Mama na kakalabas lang. "Aerin, ayaw mo bang magsimba? Nandoon mga kaibigan mo."

"Hindi ako sasama." tipid kong sagot kay Mama.

Humakbang ito papalapit sa akin saka niya ako niyakap. "Anak. Alam kong mahirap sa'yo, pero sana kayanin mo."

Kumawala ako sa yakap ni Mama. I looked at her. "Ma, malalate na po kayo."

Ngumiti ito sa akin at humakbang na papalabas. Tahimik ko na lamang itong sinundan sa aking paningin.

Humampas ang malakas na hangin sa paligid. Napasandal ako sa upuan saka ipinikit ang aking mga mata.

"Hay nako, Aerin! Asan na nga at tutulungan kita!"

"Bahala ka, nasa huli ang pagsisisi!"

"Aerin! Akin na itong chicken joy di mo rin naman kakainin! HAHAHA"

"Yung regalo ko, huwag mong kalimutan!"

Unti-unti na namang pumapatak ang mainit na tubig sa'king mukha,  pakiramdam ko ay nandidito siya, naririnig ko ang boses nito sa'king teinga.

Ang masiglang boses nito. Namimiss ko.

Dalawang linggo na ang nakakaraan matapos mailibing si Ellies, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap, hindi ko kaya. For 7 years siya ang pinaka-una at nakasama ko biglang kaibigan. She was always there for me kahit na madalas ako nitong sermonan at pagalitan.

Fallen Flower Where stories live. Discover now