Chapter 56

118 53 0
                                    

WARNING: THIS CHAPTER IS LONG. PLEASE READ CAREFULLY.

🌹Unfolding the truth: The master piece

AERIN

Tahimik kaming magkasama at magkatabi ngayon ni Tahlia sa loob ng sasakyan, walang nagbibitiw ng kahit ano mang salita sa amin. Tanging ang pagbuntong hininga ko lang ang aking naririnig. Nakaupo kaming pareho sa passenger seats; Ako sa kaliwa. Siya sa kanan. Samantalang, may isang katandaang lalaki ang nagsisilbing driver nito ngayon.

Hindi ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon dahil kung iisipin, nandoon dapat siya at sinasamahan niya sina Timothy at ang kanyang ama. I didn't know where to start, I didn't know how I should feel right now. All I know is that, may gusto itong puntahan na kasama ako ngayong gabi.

Ilang minutong nagpa-ikot-ikot ang sasakyan ng tumigil ito sa isang may kamahalang restaurant dito lang din sa parte ng Quezon.

"Let's eat. Alam kong wala pang laman ang tiyan mo." Tahlia suddenly said, I looked at her.

Walang pagbabago, seryoso lang ang kanyang mukha at hindi ko makikitaan ng kahit na anong emosyon. Gusto kong maging masaya dahil sa kadahilanang nag-aalala pa rin ito sa akin pero kapag naalala ko ang nagawa ko sa kanyang Ama kani-kanina lang ay hindi ko mapigilang hindi masaktan dahil alam kong may galit na rin siyang nararamdaman sa akin.

Sumunod ako sa kanya papasok sa loob ng kainan, hindi ko napigilang kumuha ng iilang atensyon ng mga tao dahil sa suot-suot kong uniporme ngayon, mababakas ko na rin ang madungis kong damit at pagmumukha.

We were warmly welcomed by a female staff in a private room. Tahlia sat at a black glass round table and then glanced at the menu. So I followed her and sat down in front of her.

Nagulat ako ng magtama ang mga mata naming dalawa.

"Let's eat peacefully, Aerin. Gusto kong makasama ka sa huling pagkain ko." biglang saad niya na ikinabigla ko.

"Anong sinasabi mo riyan? Anong binabalak mo?" tanong ko sa kanya.

She smiled at me. "I just really want to eat." tanging pagtugon niya.

Soon we were served by a few of their plays here. We quietly ate the food in front of us. Although the food is so good tonight, I can't enjoy it especially in the atmosphere that wraps around both of us.

"We we're still on the same page right, Tahlia?" pagtatanong ko dahilan para mapansin kong tumigil ito sa pagkain.

Sinalubong ko ang kanyang tingin.

She's my friend. Tahlia is one of my beloved friends pero hindi mapigilan ng sarili kong kabahan ngayon. Sanay akong humarap sa kanyang noon, pero ngayon iba na ang pakiramdam. Para bang may unti-unting natatakpan ng makakapal na bato sa pagitan naming dalawa.

"You're a good person, Aerin." biglang wika niya na ikinagulat ko, nasilayan ko rin ang muling pangiti nito sa akin.

Napayuko ako sa hiya. "I'm sorry," the only thing I told her. Ang dami kong gustong sabihin, marami pa akong gustong ipaintindi sa kaya pero hindi ko magawa. I'm scared, once na sumobra na naman ako sa linya, alam kong tuluyan na siyang mawawala bilang kaibigan ko.

"Wala kang dapat ihingi ng tawad... Ako. Kami ang dapat na humingi ng tawad sa'yo... Hindi ako naging mabuting kaibigan sa'yo. I'm sorry, Aerin." umangat ang ulo ko sa kanya ng maramdaman kong hinawakan nito ang mga kamay ko. Nakangiti ito sa akin habang pumapatak nag dahan-dahan ang kanyang mga luha.

Kahit hindi ko makuhang intindihin ang mga pinupunto nito ngayon ay napatayo na lamang ako at mabilis itong niyakap.

Natapos ang dinner namin ni Tahlia ng walang aberyang nangyari. Nagkusa na rin akong umalis na mag-isa at hayaan na lamang akong iwan niya, alam ko kasing kailangan niyang puntahan ang pamilya niya ngayon. I was also wondering kung nalaman na rin ng Mama nila ang nangyaring gulo.





Fallen Flower Where stories live. Discover now