Chapter 21

278 179 83
                                    

🌹Howling of hearts


AERIN


I woke up with the sound of my phone ringing.

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko habang kinapa-kapa ang phone sa kamang hinihigaan ko ngayon.

Nang mahawakan ko ito ay dali-dali kong sinagot ang tawag. "Yes?"

"Get up, let's meet." dinig ko ang boses lalaki sa kabilang linya.

"Huh?" wala sa sarili kong tanong.

"I said. Get up, It's already 9 AM in the morning!" aniya.

Napabalikwas ako sa kama kinusot kusot ko ang mga mata ko at tiningnan ko sa screen ang taong kausap ko.

"Kace?!"

"And now your awake." rinig ko ang pagtawa nito.

"Ano ulit sinabi mo?"

"Magbihis ka na diyan, puntahan mo ako sa hospital." wika niya at binabaan ako.

Kumaripas agad ako ng takbo sa shower room at nagmadaling naligo. Dali dali akong nagbihis pagkatapos, chineck ko ulit ang kwarto at kama.

Ang aga naman atang nagising nitong si Bree? 'Bat di man lang ako nito ginising! AISH!

I walk outside and went to the kitchen. I saw some breakfast food that was already cooked on the table, I had to eat first dahil baka hindi na ako makakibo sa mga nakakamatay na titig ni Kace sa akin mamaya.

Ngayon palang din kami makakapag-usap ng maayos.

Hew!

Habang inaatupag ko ang pagsubo ng hotdog ay tiningnan ko na muna ang phone ko at tumambad sa akin ang napakaraming missed calls ni Adriel at text ni Timothy.

AISH. Oo nga pala I still have to go to the site... and speaking of Timothy, sa pagkakaalala ko kagabi may naging seryosong tanong ito sa'kin.

Ano nga kasi 'yon?

Oh! Can you love me raw?! Putek kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig ng lalaking 'yon kapag malalim iniisip nito. Hindi ko nga rin alam kung aware ba siya sa taong kausap niya. HAHAHAHA

Matapos kong kumain ay agad kong hinanap ang susi ng kotse at bumaba na.

Luckily, my car got home safely. Theo is driving well. Walang ka galos-galos ah! Gumagaling na ata ng magmaneho itong si Theo! HAHA

Bumiyahe na ako papunta sa hospital, kung saan din naka-admit sina Mrs. Manalo at ang anak nito. Ilang minuto ang lumipas at nakarating na ako dito.

Sinabihan ako ni Kace na magkita sa cafeteria ng hospital sa third floor, pero bago ako umakyat at dinaanan ko na muna ang mag-ina. Nadatnan kong masigla na ang bata, wala na itong tigil sa paglalaro... Okay na ang kalagayan nito.

Pagka-akyat ko sa nasabing cafeteria ay nakita ko itong nakaupo habang nakatuon ang atensyon nito sa pagkain, nakauniporme pa rin ito.

Yes. Doctor ang trabaho at natapos ni Kace, swerte siya nakuha niya ang gusto niya. Well, binalak naming dalawa pero na sa kanya lang ang swerte. Wala sa'kin.

I silently approached him, raising his head as he noticed me.

"Sarap ng kain ah." binigyan ko ito ng ngiti.

Fallen Flower Where stories live. Discover now