Chapter 55

118 54 0
                                    

🌹The Big Night


AERIN


"What are you doing, Aerin! Pwede bang pag-usapan na muna natin ito?"

Tiningnan ko si Bree na hindi magkamayaw sa inis at gulat sa pagpapa-alam ko sa kanya ngayon.

"Bree. I'm sorry, alam kong nag-aalala ka, pero ito ang buhay ko ngayon, ito ang trabaho ko." I said as I continued to fix my things.

"I know! Pero pwede ba! Kakagaling mo lang sa gulo! And here you are, gagawa ka na naman ng kakapahamak mo! Nakalimutan mo na bang muntikan ka nang mabaril ng kapwa mo pulis! Ano ba Aerin! Isipin mo naman sarili mo!" she shouted as she put both of her palms in her face. She look frustrated... and that's because of me.

Inabot ko na ang natitirang damit ko at inilagay na sa bag, tumayo ako at humarap sa kanya, kita ko ang pangamba sa kanyang mukha. "Bree. You believed in me, right?" I asked and put both of my hand in her shoulder. She smiled and gave a nodded. "I will be safe, dito ka lang. Kailangan kong bumalik do'n. May kailangan akong gawin." I said. I simply bit my lips to keep me from crying. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya ang pagiging iyakin ko, dahil ayokong pati siya ay mag-alala sa'kin, ayokong pati siya ay kaawaan ako.

Tumingin siya sa'kin ng may kislap ng lungkot ang kanyang mga mata. "Please... huwag mong hahayaan ang sarili mong mapahawak. Tandaan mo, delikado ang lahat. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan mo, hindi ko alam kung anong binabalak niyong gawing dalawa ni Timothy, but promise me... be safe." aniya.

Siniil ko ito sa dalawang braso kong mahigpit na nakayakap sa kanya. "Thank you, Bree. Maraming salamat."

She looked at me. "Let's go, naghihintay na si Timothy sa labas."

Pumulupot ang braso nito sa'kin at sabay na kaming tumungo papalabas, nakita ko kaagad si Timothy na nakatayo--- limang hakbang sa labas ng bahay habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay at kalmadong naghihintay.

"Sigurado ba kayong hindi na ko-contact in ang Ninong mo? Malayo ang biyahe kapag hindi kayo nag-helicopter." ani Bree.

Umiling ako. "May kotseng dala itong si Timothy, nasa patag na daan nga lang... hayaan mo na. 'Di naman sasakit katawan namin dito." pagbibiro ko sa kanya.

"Ang weird ni Timothy ngayon, ayusin mo mood niya ha." she murmured as she looked at him.

Pinilit ko na lamang ang tumango kay Bree. "Oo naman, gutom lang 'yan." I reason out.

"Timothy!" sinubukang sumigaw at tawagin ni bruha ang lalaking ito, hindi naman ito snob kaya humarap ito sa amin ng may pilit na ngiti.

"Mag-iingat kayo!" muling sabi ni Bree kay Timothy.

Tumugon naman ng pangiti itong si Timothy sa kanya. "I will!"

"Susunod din ako sa inyo, pero ngayon I will let you do what you must do, Aerin. Siguraduhin mo lang na kung sino man ang huhulihin ninyo, hindi ka niya titirahin sa likod." biglang sabi ni Bree sa akin.

Kumalas na ako sa kanya at tanging pagngiti na lamang rin ang tinugon ko sa kanya. As my feet moved closer to Timothy, he grabbed my bag that I was carrying and started to descend the steep mountain.

We move queitly as we walk down. Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa, tahimik lang din ito at diretso ang tingin sa dinadaanan namin.

Nasa harapan ko ito, tatlong hakbang ang layo namin sa isa't-isa pero kahit magkalapit lamang kami ngayon, ang layo niya sa'kin, ang layo at hindi ko alam kung maabot ko pa ang lalaking nasa harapan ko.

Fallen Flower Where stories live. Discover now