Chapter 16

311 195 73
                                    

🌹The hint


AERIN


Kinabukasan.

Maaga akong pumunta sa Headquarters kasama si Bok. Walang pag-aalinlangan ay dumeretso kaagad ako kay Fernando.

"Sigurado ka bang siya yung nakita mo?" tanong ni Fernando.

"Oo. Hindi ako pwedeng magkamali, isa siya sa mga bodyguard ni Colonel Young. Kaya pala pamilyar sa'kin ang litrato sa picture nagkita na rin kami noon dito, remember noong biglaang dumalaw si Colonel dito." I explained it to him.

Umupo ito at kinalikot na ang computer. "Ngayon alam ko na kung bakit hindi natin makita ang personal data nito. Mahigpit si Colonel sa mga tao niya, hindi ko naman inisip na pati sa isang simpleng bodyguard ga-gwardiyahin niya." ani Fernando.

"Kailangan na natin malaman ang pangalan niya."

Hindi ito tumugon bagkus ay inumpisahan na nito ang pagbukas sa privacy data ng mga pulisya. I saw him enter Mr. Young's name in the PC and eventually, some various people in his camp appeared.

"Aerin." lumingon ako dito na mukhang seryoso ang mukha.

Linapitan ko siya at nagulat sa nakita ko. "Ayan! Siya ang lalaking 'yan! Anong pangalan!"

"Jeffrey Pamintuan, 29 years old, Highschool Graduate, Mag-isa itong naninirahan sa condo unit nito malapit sa Tandang sora." Fernando said.

Dinukot ko ang phone at pinicturan ang information sa desktop. Pinirint ko ang formal picture nito.

"Aerin..." lumingon ako dito kay Fernsndo, nakatuon pa rin ang atensyon sa PC. "May record ito sa Police Department District V1. Nireklamo ito dahil sa panggugulo sa isang Bar."

Saglit kong sinuri ang records nito. "Ako na bahala. I'll just call you when I have something to look for ... I'll take Bok with me." saad ko. "Na saan ang manok na 'yon?" I asked as I notice he's not inside in this room.

"Baka nasa baba na. Tara na." naunang lumabas itong si Fernando, nang maitago ko na ang printed picture ng lalaki sa jacket na suot ko ay sumunod na ako dito. When we got off the ground floor we found Bok having a nice talking with Theo.

"Officer!" kumaway itong si Bok ng makita ako.

"Ubusin mo na 'yan, mahaba-haba trabaho na'tin ngayon." I said as we approached them.

Inayos ko ng mabuti ang belt na suot-suot ko at chineck ang mga nakalagay dito. Taser, Baton, Handcuffs, Flashlights, Radio at ang baril.

"Look who's here. Officer." lumingon ako dito kay Chief Perez na kakapasok lamang. Sumaludo ako.

"Akala ko ba na sa leave ka?" nakapamulsa ito habang kalmadong nakatingin sa'kin.

"Yes. I'm on leave, binisita ko lang mga kasamahan ko dito."

"Ganitong kaaga? You're on leave pero bakit kumpleto mga gamit mo sa belt." he looked at what I was wearing. I was trying to hide them in my jacket, but he still saw it.

"Safety first." tipid na sagot ko.

"Chief!" sabay kami lumingon sa sigaw na narinig namin, nakita ko ang dalawang kakapasok lamang din sa Headquarters. Sumaludo kami sa isa't-isa.

"Natasha, buti nandito ka? Engineer! Kamusta na." Chief Perez said.

"Ayos naman po." Adriel answered.

Fallen Flower Where stories live. Discover now