Chapter 52

181 59 0
                                    

🌹Who are you, Tahlia?


AERIN


"Aerin! Dali check this red fur, bilhin natin?"

"No."

"IHHHH Wala pa tayong designs e."

I raised a brow, "Wala? Anong tawag mo diyan sa wheel cart nating kulang na lang mapuno mo na? Dalian mo riyan mamili, may trabaho pa ako."

"Hindi pa nga napupuno e." Bree murmured.

Tumalikod na lang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglakad. Kasalukuyan kaming nandirito sa Mall, nagpasama ang mahal kong kaibigan para mamili raw ng Christmas decorations since next month na raw ang pasko.

Dalawang oras na kaming namimili pero hindi pa rin ito natatapos, kala mo talaga siya nagbabayad, e. Ako naglalabas ng pera! Naku!

"Omg! Look Aerin! Buy one take one itong pillow!"

I turned to Bree again who was cheerfully talking to the sales man. I ran over to her and immediately grabbed the pillow she was holding.

Lumingon ako sa kanya na ngayo'y kausap ang isang sales man. Tumakbo ako dito at agad na inagaw ang unan na hawak niya.

"Naku kuya, hindi namin kailangan 'yan ngayon." balik ko kay kuya sales man at hinatak na papalayo ang bruhang si Bree.

"Ano ba 'yan!" reklamo niya habang ngumunguso sa tabi.

"Hoy ikaw hinay-hinay sa paggastos, tapos tatapon mo lang ulit yan pagkatapos, sumisikip lang space natin sa condo." singhal ko dito.

Inagaw niya ang cart. "Duh! Nakakahiya naman do'n sa Christmas tree na'ting walang ka buhay-buhay!" at tinakbuhan na ako.

Aba!

"Hoy hintayin mo---"


"Aerin?"


I turned to the voice I heard behind my back.

"Oh. Kace?"

He smiled. "Anong ginagawa mo dito?"

"Namimili ng Christmas decor, ikaw?"

He lift some small paper bag on his hands. "Eto, namili ng pwedeng makain." natawa ito.

"Walang trabaho ngayon? 'di ka naka-uniporme." tanong niya.

Umiling ako. "Meron kaso 'di nako nag-abalang mag-uniporme pa, problema lang dito." natatawa kong sagot.

Nagsuot lang ako ng komportable black pants and white sweatshirts. Baka pagtinginan lang ako ng mga tao dito kapag nag-unipormeng pulis ako.

"Aerin!"

Narinig ko ang pagtawag ni Bree. Tumakbo ito palapit sa'kin at agad na pumulupot ang braso niya sa braso ko.

"Kilala mo?" pabulong na tanong ni Bree.

Tumingin ako kay Kace. "Kaibigan ko, si Bree... Bree si Kace."

Ngumiti naman itong si Kace at inilahad ang kamay niya kay Bree.

Napataas naman ang kilay ko ng ngumiti ng sagad-sagaran ang bruha kong kaibigan.

"H-hello." pag-iinarte bigla ni Bree.

Fallen Flower Where stories live. Discover now