Chapter 20

273 177 82
                                    

🌹Drunk people tells the truth


AERIN


"Do you know each other?" I asked.

"No/Yes" they both answered.

"Ano?"

"Teka teka teka! 'Di mo'ko kilala?" Bree asked him.

Nagpagitna na ako sa kanilang dalawa. "kilala mo ang lalaking 'to?"
I first asked Bree.

"Oo! Siya 'yong sinasabi ko sa'yong Author!" pagsagot ni Bree.

"What?! Author?!" liningunan ko naman ang lalaking nasa harapan ko. "Anong?" I asked with a confusion in my face.

"Oh! I remember! Ikaw yung editor sa company!" tugon nitong si Nico habang tinuturo itong si Bree.

Tumango-tango itong si Bree. "Malamang! Ako lang naman ang taga ayos ng buhay--- este libro mo!"

Kailan pa natutong humarot ang babaeng 'to?

"At kailan ka pa naging writer chuchu na 'yan?" ibinalik ko ang tingin dito kay Nico.

"Not so long ago?" he said. "And what you doing here?" ibinalik nito ang tanong sa'kin.

Ngayon malinaw na sa akin. Kaya pala tingin ng tingin ang mga babaitang iyon sa karinderya, sikat pala ang ungas na'to.

"Kasama ko 'tong kaibigan ko." turo ko kay Bree.

"Oh! What a small world!" natawa ito sa lecheng kagagahan namin.

"Tapos na ba kayo?"

Lumingon ako dito kay Adriel. May inip na sa kanyang mukha kaya sinenyasan ko na ang babaitang kasama ko.

"Pasensya na."  I said to Adriel but he didn't speak at all.

"Hoy Bree! Sumakay ka na dito!" tawag ko naman kay Bree.

Pinigilan ako ni Nico. "Pwede ba akong sumama?"

HUH?!

"At bakit ka naman sasama?"

"I just want to. Wala naman akong gagawin, wala rin akong kasama." aniya with matching paawa effect pa.

"Oo na cute ka na." puri ko saka ko ginulo ang buhok niya.

Sinagad ko na ang kakapalan ng mukha ko sa lalaking kanina pa naghihintay. Pinagpaalam ko itong si Nico na sumabay na lang sa amin. Agad namang tumabi itong si Nico
kay Bree sa passenger seat.

"Paano 'yang sasakyan mo sa harap?" I asked Nico.

"Don't worry. Iyong manager ko na bahala diyan." mabilis na sagot ni Nico.

"Manager?!" Jusko anong klaseng tao ang lalaking 'to? Ang daming ganap sa buhay!

Nakita kong binuhay na ni Adriel ang sasakyan at tahimik na nagmaneho. Dahil sa hiya ko sa kanya ay tumahimik na lang din ako. I just let the two in the back, talk to each other.

"Saan ka pupunta niyan? Sasama ka sa kanila sa site?" I heard Bree's voice.

"Yup."

"Talaga?!"

I heard the two talking about. Nakita ko ang pagkalabit ni Bree dito kay Adriel. Tumingin ito sa rear view.

"Pwedeng sumama sa inyo? Huwag niyo muna ako ibaba. Hehehe" pakiusap bigla ni Bree kay Adriel.

Fallen Flower Where stories live. Discover now