Chapter 40

4.7K 108 77
                                    

Kainis.

Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang. As usual, kagat-kagat ko na naman ang ibabang labi ko para lang hindi ako tuluyang umiyak. Nagtatakang nakatingin naman sa akin sina Papa at Nanay. Si Erol naman ay nakabantay lang. Pero wala doon ang atensyon ko.

Nakita kong nag-extend ang kamay ni Erol papalapit sa plato kaya't mabilis ko syang sinamaan ng tingin sanhi para bawiin nito ang kamay.

"Mama si Ate!" Sumbong niya. Hindi ko sya pinansin at muling tumitig sa plato. Naiiyak na naman ako.

"Vina ano bang nangyayari sa'yo?" Usisa sa akin ni Nanay. "Ayaw mo bang kumain?"

"Mama gusto ko nung pasta." Ungot ni Erol. Kinuha iyon ni Nanay.

"Nay!" Sigaw ko. Napapitlag ito. Kinuha ko sa kanya ang plato at muling ibinalik iyon sa lamesa.

"Susmiyo ka Vina! Ano ba talagang problema mo?"- Nanay.

"Nay gusto kong kumain ng pasta." Ungot ko.

"O e ayan naman ah bakit hindi ka kumuha?"

"Ayoko."

"Mama ako po gusto."- Erol

"Hindi pwede!" Pigil ko. "Akin yan e."

"Vina para kang bata. Hindi mo naman mauubos 'yan." Ika ni Nanay pero hindi ko siya pinakinggan.

Ang totoo ay naglalaway talaga ako sa pasta pero pinipigilan ko ang aking sarili na kainin 'yon. Nagulat ako ng tumayo si Erol habang nakasimangot na nagtungo sa kanyang kwarto. Nakonsensya ako.

"Tingnan mo nagtampo tuloy." Sita sa akin ni Nanay.

"Ano bang gusto mo, anak?" Mahinahon na tanong sa akin ni Papa. "Natatakot ka bang tumaba?" Hindi ako umimik. Nailing ito. "Kahit yata maging mukha kang susu e magugustuhan ka pa rin ng boyfriend mo. Mas takot pa nga 'yon na baka daw iwan mo sya. Kaya wag kang mag-inarte diyan dahil hindi bagay sa'yo. Ke-tanda mo na pero para ka pa ring batang nagmumukmok dyan."

"Papa makatanda lang?" Sinimangutan ko sya.

"Ano bang tingin mo sa sarili mo? Teenager?"

"Hindi po."

"Trenta'y uno ka na. Baka sa kakaarte mo dyan, iyan pa ang maging dahilan para iwan ka ni Gene. Papalayasin talaga kita."- Papa

"Papa sino bang anak mo sa amin? Si Gene o ako?"

"Ikaw pero mas gusto kong si Gene na lang, napakabait na bata." Aniya. Napapadyak ako.

Tumawa lang sila.

Sa huli, inakyat ko rin si Erol at dinalhan siya ng pasta. Hindi kinaya ng konsensya ko ang pagtatampo nya. Ibang klase pa naman 'yon magtampp, ilang araw akong hindi pinapansin. Nadatnan ko syang naglalaro sa cellphone habang nakadapa sa kama na may cover na kulay asul, ang paborito nitong kulay.

"Erol." Tawag ko. "Bunso." Hindi siya lumingon kaya't napabuntong hininga ako. Tampo talaga sya. "Sorry na. Hindi na magdadamot si Ate. Hinatiran kita ng pasta dito o." Lambing ko.

"Sa'yo na lang 'yan, Ate." Masungit nyang wika sa akin.

"Bati na tayo please?"

"Ayoko ang damot mo."

"Sorry na nga e."

Hindi sya nagsalita.

"Ganito na lang, iiwan ko ito dito sa lamesa kainin mo na lang mamaya ha." Sabi ko saka sya iniwan.

Kinabukasan,

"Gene." Tawag ko sa kanyang pangalan. Lumingon naman sya at lumapit sa akin.

"Bakit babe?" Tanong niya.

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon