Chapter 10

4.5K 112 8
                                    

Habang hinahanap ang cudburry, may nakasalubong akong isang pamilyar na babae na medyo may kalakihan ang tiyan. Pilit nyang inaabot ang box ng tobleron na nasa medyo may kataasang bahagi ng estante.

Lumapit ako at inabot iyon para sa kanya.

"Salamat." Sabi nya saka ako nginitian. Tinitigan ko sya nang matagal para alamin kung saan ko ba sya nakita hanggang sa maalala ko na kung sino sya.

"Ate Mariel?" Tawag ko. Nagtatakang tumingin sya sa akin kaya naman nginitian ko sya.

"Kilala mo ako?" Tanong nya kaya't tumango ako.

"I'm Gene Carbonel." Pakilala ko saka ako naglahad ng palad para makipagkamay.

"Gene Carbonel?" Ulit nya. Tinitigan nya din ako ng matagal hanggang sa unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata. Parang reaction lang ni Vina dati. "Gene? Si Gene? Yung chikiting na manliligaw ni Vina??"

"Kamusta po?" Tanong ko.

"Ayos lang ako. Eh ikaw? Wow ang laki mo na! Ang tagal kitang hindi nakita. Bigla ka kasing naglaho matapos ang araw na iyon." Ang tinutukoy nya ay yung araw na nalaman kong may kasintahan na si Vina.

"I went to Italy the next day."

"Ganon ba? Hinanap ka kaya ni Vina noon kasi akala nya kung ano nang nangyari sayo." Napangiti ako nang dahil sa nalaman ko. So, hinanap pala ako ni Vina after kong mawala.

"Magkakaanak ka na pala?" Pag-iiba ko ng usapan saka tumingin sa nakaumbok nyang tiyan.

"Oo eh. Padalawa na." Sabi nya saka hinimas ang tiyan.

"Wow congrats!"

"Salamat. Sino nga pa lang kasama ngayon?" Tanong pa nya saka nagpalinga-linga. "Girlfriend mo?"

"Ah not ye---"

"Gene?" Sabay kaming napalingon ni Ate Mariel nang tawagin ako ni Vina. Tulak-tulak nya ang cart na naglalaman ng mga gulay, sa isang kamay naman nito ay ang galon ng ice cream.

"Vina." Nakangiti ko syang nilapitan para kunin ang ice cream na hawak nya saka inakay papunta sa kinatatayuan ni Ate Mariel. "Nakita ko si Ate Mariel, look she's pregnant." Nakangiti kong sabi sa kanya pero agad ding naglaho nang mapansin ko ang kanyang reaksyon.

Madilim ang kanyang mukha habang nakatingin sa kaibigan, habang si Ate Mariel naman ay tila nabalisa.

"Vina..." Malungkot ang boses na tawag ni Ate Mariel sa kanya pero nananatiling blangko ang mukha nang babaeng katabi ko.

"Gene, pwede na ba tayong umuwi? Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko." Maya-maya pa ay ungot ni Vina

Nag-aalalang kinapa ko ang kanyang noo para alamin kung may lagnat sya pero inalis nya ang kamay ko sa halip ay hinawakan.

"Why don't we invite your bestffriend, Vina? Let's have our dinner together?" Suggestion ko pero nauna nang sumagot si Ate Mariel.

"Ah Gene pasensya na pero hindi ako pwede eh. May gagawin kasi ako mamaya." Ate Mariel

"Ganon ba? Sayang naman." Sabi ko. "Sino nga palang kasama mo ngayon?"

"Huh? Ah si Jay, yung boyfriend ko." Sabi nya sakto namang may dumating na lalaki.

"Bakit ba ang tagal-tagal mong babae ka?! Siguro nanglalalaki ka na naman ano?!" Sabay kaming napapitlag ni Vina nang bigla nyang  hinaklit sa kamay si Ate Mariel. Madilim at galit ang itsura nya habang mahigpit ang pagkakahawak sa buntis na kasama.

"JP/Jay" Panabay na sabi ni Vina at ni Ate Mariel.

Tila mayroon naman akong naalala.

Pinagmasdan kong maigi ang mukha ng lalaking bagong dating at doon ko lang napag-alamang, siya ang dating boyfriend ni Vina. Ang dahilan kung bakit ako umuwing luhaan. Siya ang lalaking kinaiinisan ko noon dahil sya ang pinili ni Vina. Malaki na ang pinagbago nya.  Lumaki ang kanyang katawan at tumangkad  bukod doon mas may itsura sya ngayon kumpara noon.

He Owned Me At Seven Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ