Chapter 32

2.1K 54 6
                                    

Hayyyy...

Disappointed na ibinaba ko ang aking cellphone sa lamesita at bumaba ng kama. Kanina ko pang hinihintay ang tawag ni Gene dahil ang sabi nya ay tatawagan niya ako. Busy daw kasi sya kanina nung tumawag ako kaya mabilis din siyang nagpaalam.

To be honest, medyo naninibago ako sa kanya, two days na kasi ang nakalilipas mula noong nalaman ko na buntis ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nasasabi sa kanya.

Napapadalas kasi ang meeting niya with Jemaru. Kahapon, hindi na kami sabay pumasok sa trabaho, hindi rin niya ako naihatid pauwi. Tapos kanina, hindi rin siya dumaan dito para puntahan ako. Absent ako ngayon dahil masama ang aking pakiramdam mula pa kaninang paggising ko.

Ngayon ko kasi nararamdaman ang ilang sintomas ng pagbubuntis, ilang beses akong nagsusuka at nahihilo. Kahit wala pa sa plano ay nalaman na rin ni Nanay ang tungkol sa aking dinadala. Siya kasi ang nakahuli sa aking na nagsusuka, idagdag pa ang pagtanggi ko sa pagkain na dati naman ay paborito ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang aminin sa kanya ang totoo, maging ang plano kong pagsasabi kay Gene na hindi pa matuloy-tuloy.

Syempre, tuwang-tuwa sila lalo na si Papa na bahagya pang naluha dahil sa wakas ay magiging lolo na daw siya. Ipinakita pa niya sa akin ang listahan ng pangalan ng magiging apo niya. Kahit na medyo bantot ang iba ay nagpasalamat pa rin ako. Nasisiguro kong magiging spoiled ang unang anak ko sa lolo niya.

Wala akong ginawa maghapon kundi ang kumain, manuod ng tv at matulog. Gustuhin ko mang lumabas para pumunta kina Mariel ay hindi ko rin magawa dahil bigla-bigla na lang akong nahihilo. Dadagdag pa ako sa alagain nya.

Paminsan-minsan ay kinakausap ko ang picture ni Gene sa cellphone ko at nagpa-practice ng sasabihin. Iniisip ko kung anong magiging reaction nya once na malaman niyang magiging tatay na siya. Sisigaw kaya siya? Tatalon? O iiyak?

Gusto ko ng malaman!

Nakaramdam ako ng lungkot.

Gene naman kasi.

Namimiss ka na namin ng anak mo.

Kailan mo ba kami pupuntahan?

Natapos ang araw na walang Gene na nagpakita sa akin. Dala lang siguro ng hormomes kaya ako naiiyak. Gusto ko kasi talaga siyang makita, gusto ko siyang kurutin tapos ay yayakapin ng mahigpit.

Hindi ko alam kung pinaglilihihan ko ba siya o malandi lang talaga ako kasi gustong-gusto ko talaga siyang yakapin at pugpugin ng halik.  Gusto kong nandito lang siya sa tabi ko para alagaan ako. Gusto ko siyang kagatin at amoy-amuyin.

Alam ko namang busy sya pero hindi ko maiwasang hindi malungkot. Hindi yata ako makakanali ng hindi ko siya makakasama.

Kaya naman kahit masama ang pakiramdam kinabukasan ay pumasok pa rin ako sa trabaho. Panatag na naman ang loob kong wala ng mananakit sa akin dahil hindi na muling nagparamdam sa akin ang sender. Pinakahuli na yung letter na nakita ko sa aking drawer, hindi na sya muling nagpadala ng kahit anong threats.

Nagtataka man ay nagpapasalamat na rin ako dahil kahit paano ay nabawasan na ang aking takot.

Pagdating ng CGC, bigla akong naexcite na makita si Gene kaya sa halip na sa tenth floor magpunta ay nagdiretso ako sa twenty-fifth floor. May ilang bumati sa akin at meron din namang kunwari ay hindi ako nakita. Hindi naman ako nagpaapekto dahil expected ko na hindi lahat ay tanggap ako bilang girlfriend ni Gene. At naiintindihan ko 'yon.

"Ms. Heidi, nandyan na po ba si Gene?" Tanong ko ng makarating ako sa 25th floor.

Nag-angat siya ng tingin. "Vina!" Ngumiti siya. "Blooming ka ata ngayon." Puna nya sa akin, nahihiyang ngumiti naman ako sa kanya. "Oo andyan si Gene, hindi ata umuwi ang batang 'yon kahapon at diyan na nagpalipas ng gabi." Sabi niya, pansin ko ang paghagod ng tingin nito sa akin hanggang sa huminto ang mga mata nito sa tapat ng aking tiyan at bahagyang ngumiti, yung ngiting totoo. Hindi na lang ako nagsalita.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now