Chapter 11

4.6K 109 23
                                    

Kinabukasan

Malakas ang ulan ng bumaba ako sa tapat ng CGC, buti na lang at nakaabang si Kuya Guard sa mga dumadating para payungan at ihatid kami hanggang entrance ng building.

"Salamat Kuya." Sabi ko nang maihatid nya ako sa may pintuan.

"Sige po Ma'am aabangan ko lang po ulit yung iba." Paalam nya saka ako iniwan.

Pagpasok sa loob ay biglang nagtayuan ang balahibo ko sa braso dahil sa lakas ng aircon. Wala akong dalang jacket o blazer man lang para ipatong sa suot kong damit kaya naman panay ang kiskis ko ng aking mga palad sa magkabila kong braso.

Nang makapasok ako ng elevator ay doon lang ako nakaramdam ng ginhawa sapagkat walang aircon sa loob. Para tuloy ayoko ng lumabas pa.

"Mukhang lamig na lamig ka ah." Napatingin ako sa nagsalita sa aking tabi, si Samuel pala.

"Ikaw pala yan, Samuel. Oo eh. Ang sama kasi ng panahon, may bagyo ata." Sabi ko.

"Gusto mong hiramin ang coat ko?" Offer nya pero agad akong umiling. Mahirap na baka maissue pa kaming dalawa.

"Salamat na lang, kaya ko pa naman tiisin." Sabi ko.

"Sigurado ka? Kitang-kita ang kilabot mo o." Tinuro mya yung butol-butol ko sa balat. Allergy kasi ako sa lamig kaya't hangga't maaari ay lagi akong naka-blazer kapag nasa office. Ewan ko ba kung bakit ko nalimutan ngayon, naalala ko lang kung kelan sakay na ako ng jeep.

"Ayos lang ako. Saan nga pala ang punta mo?" Tanong ko.

"Sa CEO's office. May pag-uusapan daw kami tungkol sa pag-a-upgrade ng ating system." Sagot nya. Tumunog naman ang elevator at bumukas sa 10th floor.

"Paano ba yan mauna na ako. Maiwan na kita." Sabi ko nang makalabas ako ng elevator. Ngumiti naman sya pagkuwan ay kumaway.

"Punta ako ng office nyo mamaya." Pahabol nya.

"Bakit?"

"Baata. Kita na lang tayo mamaya." Sabi pa nya bago sumarang muli ang pinto.

Nagkibit-balikat na lang ako saka naglakad paasok ng aming office. Nagsitayuan na naman ang balahibo ko dahil sa lamig, buti yung mga kasamahan ko may mga blazer at jacket, ako lang talaga ang wala. Kawawa naman ako.

"Ay Friend bakit wala kang panlaban sa masamang panahon? Nalimutan mo na bang may allegy ka sa lamig?" Bungad sa akin ni Elma na syang nakaupo sa pwesto ko.

"Nalimutan ko eh." Sagot ko saka binaba ang bag. "Ano nga palang ginagawa mo sa upuan ko?

"Wala trip ko lang." Sabi nya saka ngumisi.

"Ganon? Pwede ka na bang tumayo para ako naman ang makaupo?"

"Ay oo nga pala." Agad syang tumayo kaya naman umupo na ako. "Nagugutom ka ba? Nauuhaw o may gustong kainin?" Maya-maya'y tanong niya.

Nagtatakang nilingon ko sya saka tinaasan ng kilay. Problema nya? Bakit parang concern na concern sya sa akin? "Wala naman, bakit mo natanong?"

"Trip lang. Sige balik na ako sa upuan ko ha. Kapag may kailangan ka just tell me and I'll be there." Sabi pa nya.

"Para kang baliw."

"Supportive lang." Dipensa nya.

Hindi ko na lang sya pinansin sa halip ay nagsimula na akong magtrabaho. Maya-maya pa ay nakita kong pumasok si Joyce at Russel, mukhang galing sila sa labas dahil may bakas pa ng patak ng ulan sa mga damit nila.

Ngumiti sa akin si Joyce habang si Russel naman ay kumaway bago sila nagsipag-upuan sa kani-kanilang pwesto. Nawe-weirduhan man sa kanila ay pinagpasa- walang bahala ko na lang. Madalas magkasama sina Russel at Joyce lalo na kapag break namin, si Elma naman ay sa akin madalas sumasama. Kung tutuusin ay parang nahati sa dalawa ang aming grupo, dati kasi ay kaming apat lagi ang magkakabuntot. Hindi ko alam kung anong nangyari basta napansin ko na lang, kami lagi ni Elma ang magkasama, nakahiwalay yung dalawa.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now