CHAPTER 48

1.5K 44 4
                                    

This is it.

Today is October 22, birthday ko. Siguro kung normal na birthday ko ito, baka nagkulong na ako sa 'king kwarto o 'di kaya'y naglasing sa Headbang. Imagine, thirty-two na ako, official nang evicted sa kalendaryo.

But, today is different. I've waited for this day. Minarkahan ko talaga ang bawat araw na lumilipas. At ngayon, finally dumating na ang araw na pinakahihintay ko,

Ang pinakaaasam ko.

My wedding.

Magiging official na Mrs. Vinafe Trinidad-Carbonel na ako maya-maya. Hindi pa man nangyayari ay naiiyak na ako. Hindi na ako makapaghintay ng alas-nuebe. Gusto ko nang hilahin ang oras! Gusto ko nang maglakad sa simbahan at magpakasal kay Gene. Bakit kasi ang bagal-bagal ng oras. Tsk.

Nandito ako ngayon sa loob ng kwartong inuukopa naming hotel, kasama ang dalawang make up artist na sina Arjay at Mikee, parehas gay. Dito nila ako aayusan at bibihisan. Gene paid for all expenses, mula sa reception, pagkain, mga damit, simbahan at giveaways. Sinubukan kong makihati sa gastos pero hindi siya pumayag. Even Tito Eubert insisted na sila na daw ang bahala sa expenses kaya wala akong nagawa.

Right now, sinisimulan nang lapatan ni Mikee ng koloreta ang aking mukha habang si Arjay ay inaayos ang aking buhok. Ayaw nila na nakaharap ako sa salamin para daw may surprise effect, hinayaan ko na lang. May tiwala naman ako sa kakayahan nila.

"Ready ka na, madame?" narinig kong sabi ni Arjay. Tumango ako. Iniikot nila dahan-dahan ang upuan ko para maiharap sa salamin. When I finally saw my reflection from the mirrow, saglit akong natigilan, sunod ay napangiti ako. I'm satisfied. Simple lang ang make-up ko, hindi masyadong makapal at hindi rin kanipisan habang ang buhok naman ay nakataas, exposing my neck.

Para akong ibang tao. I can't believe na may igaganda pa pala ako.

"Hindi ka man ka-sexy-han, madame pero infairness, may ibubuga ka sa pagandahan. Kaya naman pala deds na deds si Mr. Carbonel sa 'yo."

"True. Agree ako sa 'yo dai," pagsegunda ni Mikee.

"Salamat sa inyo. Hindi ako magiging ganito kaganda kung hindi dahil sa talento niyo." Nginitian ko sila, nag-high five naman ang dalawa.

"Time for your gown naman. Mas gaganda ka pa kapag nasuot mo na ang gown mo." Kinuha ni Arjay ang gown na isusuot ko saka iniabot sa akin. It's a cocktail style na may buntot sa likuran. Papatungan pa ito ng palda para daw magmukhang ballgown. And then sa reception, pwedeng iyong cocktail na lang ang suot ko.

Walang ideya si Gene kung anong itsura ng wedding dress ko. He let me choose whatever style I want. I was with Nanay at Ma'am Heidi, yong secretary slash auntie ni Gene. Siya ang nagdala sa amin kung saan pwedeng tumingin ng mga wedding gown. Syempre, pumili ako ng 'not so expensive' pero maganda ang design. Parehas naman nilang nagustuhan kaya kinuha ko na.

"Anak.." Ika ng isang boses kasunod ang mahinang katok mula sa labas.

"Pasok po." Ilang segundo lang at bumukas ang pinto. Nakita ko si Nanay at Papa na maluha-luhang nakatingin sa akin.

"Napakaganda mo, anak," ani nanay bakas ang kasiyahan sa mukha. Hinaplos niya ang aking pisngi habang sinusuri ang aking kabuuan. "Maganda ka na noon pero, mas maganda ka ngayon. Bagay na bagay sa 'yo ang gown mo."

"Salamat po, 'nay."

Si Papa naman ang lumapit. Yumakap siya sa akin nang mahigpit ngunit masarap sa pakiramdam.

"Kahit na gustong-gusto na kitang mag-asawa, nalulungkot pa rin ako dahil hindi na kita makakasama araw-araw. Wala nang magsusumbong sa akin kapag pinagtitripan ka ni Erol," ika naman niya na siyang nagpaiyak sa akin. "Ang nag-iisang prinsesa ko, ikakasal na. Bubukod na siya kay Papa."

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now