CHAPTER 44

1.7K 47 5
                                    

"Good morning, ma'am and sir," nakangiting bati sa amin ng guard sa hospital. Hindi naman siya pinansin ni Gene at dire-diretso lang itong pumasok habang nakaagapay ang kanang kamay sa aking likod. Tinanguan ko na lang si manong bilang pagbati para naman hindi sayang ang effort n'ya.

"Which way?" maya-maya'y tanong sa akin ni Gene.

Tumingin ako sa unahan, may dalawang pasilyo, ang isa ay patungong pedia at ang isa ay sa wellness. Itinuro ko sa kaniya ang kanan kung saan naroroon ang wellness, gaya kanina, nakaalalay pa rin siya sa akin. Pinahinto ko siya sa tapat ng clinic ni Dra. Gonzales saka kumatok. Bumungad sa amin si Lalaine na bata lang sa akin ng ilang taon, siya ang secretary ni Doktora.

"Yes ma'am?" tanong nito sa akin bago tumingin sa lalaking kasama ko. Pansin ko ang pagkislap ng kan'yang mga mata nang mapatingin kay Gene na kasalukuyang abala sa paglinga-linga sa loob ng k'warto.

"We're here to know our baby's gender," Gene answered.

"Sige po, upo po muna kayo, may kinukonsulta pa lang si Doktora."

Iginiya kami ni Lalaine sa isang couch kung saan naghihintay ang mga pasyente. May dalawa pang pasyente na naroon kaya't mukhang matatagalan pa kami dito.

"Do you need anything?" tanong niya, umiling ako bilang sagot.

Pansamantala, inabala ko ang aking sarili sa pagtingin sa chart na nasa loob ng clinic, may mga nakapaskil na iba't-ibang larawan na may kinalaman sa pagbubuntis at ang mga pagbabagong nagaganap mula sa first trimester hanggang sa mailuwal ang bata. Si Gene naman ay nananatiling nakatayo sa aking tabi, tahimik.

Matapos nang aming pag-uusap kanina ay nag-aya siyang pumunta kami sa OB para malaman ang kasarian ng anak namin. Hindi naman na ako tumanggi, matapos ang mga sinabi niya ay nalinawan na ako. Naiintindihan ko na siya pero hindi ibig-sabihin no'n ay okay na kami.

Nagtatampo pa rin ako. Sana sinabi na lang niya sa akin ang totoo kaysa bigla na lang siyang naglaho. Baka nagawan pa namin ng paraan. Sa ngayon, ayoko namang ipagkait sa kaniya ang kagustuhang malaman ang gender ng anak namin. Besides, gusto ko na rin namang malaman. Ayoko lang dati kasi gusto ko siya ang kasama ko at hindi si Samuel o kung sino man.

Before we went here, he told me everything.

'I left you on purpose. I thought, kapag iniwan kita, mas magiging okay ka. I gave you too much pain and I think, I don't deserved you. Lagi kitang nasasaktan," aniya.

"Sa tingin mo ba naging masaya ako nung umalis ka?" sumbat ko. Kasi simula nang umalis siya, hindi ko matandan kung kailan ulit ako naging masaya.

"I'm sorry."

"Hindi ko kailangan nang sorry mo. I need your explanation, Gene. I want to know why you left. I want to know everything." Gusto kong mabigyang kasagutan ang mga tanong sa utak ko. I need to clear my mind.

"I left you thinking that, it was the best thing to do after what happened to us. I need to stay away from you para mailayo kita sa kapahamakan."

"Saan ka nagpunta? Si Tamara? Nakulong ba s'ya?" tanong ko. Baka kaya hindi na s'ya nagparamdam muli ay dahil nakakulong siya. After what she did to Gene, she deserve the life behind the bars. I gave her chance. Pinagkatiwalaan ko siya and yet, she chose to betray us. She chose to hurt us.

He Owned Me At Seven حيث تعيش القصص. اكتشف الآن