Chapter 35

2.7K 68 16
                                    

Continuation...

Gene's POV

Ilang oras akong nanatili sa loob ng aking office bago napagpasyahang bumaba ng tenth floor para puntahan si Vina. Kinakabahan ako at the same time ay nahihiya dahil sa kagaguhang nagawa ko. Hindi ko alam kung haharapin pa ba niya ko matapos kong itanggi ang anak namin. Pero gagawin ko ang lahat para mapatawad niya 'ko. Kung kinakailangan kong lumuhod ay gagawin ko. Handa rin akong tanggapin ang mga masasakit na salitang ipupukol niya sa akin.

Basta ang mahalaga ay alam ko na ang totoo. At ipinapangako ko na hinding-hindi na ako basta maniniwala sa mga nakikita ko. Mas paniniwalaan ko na si Vina at mas mamahalin higit pa sa kinakailangan niya.

Pagdating sa Finance Department, unti-unting bumagal ang aking paglalakad ng makita ang itsura sa loob. Parang unti-unting nawala ang lakas ng loob na inipon ko kanina para harapin siya. Naduduwag ako.

Si Ms. Benitez ang unang nakapansin sa presensya ko.

"Mr. Carbonel." Aniya na sinuklian ko lang ng tango. Hinihintay kong batiin rin ako ng iba ngunit wala na akong narinig pa. Nanibago ako na tahimik sa loob. Kahit ang madalas na magkulitan na sina Joyce at Russel ay wala ding imik. Anong meron?

Inilibot ko ang aking tingin para hanapin si Vina, napakunot ang aking noo ng makitang malinis ang lamesa nito. Wala na ang mga nakapatong sa ibabaw nito maliban sa computer na syang tanging naiwan doon. Biglang sumundot ang matinding kaba sa aking dibdib.

Nilingon ko si Elma para sana tanungin subalit mabilis na nag-iwas ito ng tingin. Galit siya sa akin.

"W-Where is Vina?" I asked them hoping that they will give me an answer. "Where is she?" Tanong ko ulit but still, there's no response. May ideya na ako pero ayokong paniwalaan hangga't hindi ko naririnig mula sa kanila. Hindi ako iiwan ni Vina ng ganon-ganon na lang. "CAN YOU ANSWER MY FU*KING QUESTION?!!" Sigaw ko sanhi para mapapitlag sila.

Hindi ko dapat sila sigawan dahil obvious na galit sila sa akin pero hindi ko mapigilan. Nagagalit ako hindi dahil ayaw nila akong sagutin. Nagagalit ako dahil kasalanan ko ang lahat ng ito.

"P-Please, tell me where she is." Nakatungong pakiusap ko.

"She resigned, Sir." Narinig kong sagot sa akin ni Raymond. Hindi ako nakagalaw.

"Huwag ka ng magtangkang itanong sa amin kung saan siya nagpunta, Sir dahil hindi rin namin alam. At kung alam ko man, hinding-hindi ko rin sasabihin sa'yo. Sapat na ang nalaman mong nag-resign siya dahil sa kagaguhan mo." Galit na bwelta sa akin ni Elma. Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako ng ganon pero naiintindihan ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, isa sya sa naniwala at sumuporta sa pagmamahal ko para kay Vina. "Dapat lang na iwan ka niya, Sir. Kung saan man siya nagpunta ngayon, hinihiling ko na sana makatagpo siya ng lalaking magmamahal sa kanya ng buo, yung hindi basta-basta maniniwala sa mga sabi-sabi. Yung handang pag-usapan ang problema at hindi basta na lang magiging malamig pagkatapos ay makikipaghiwalay. Yung taong taong tatangapin ang anak niya dahil yung totoong tatay ng dinadala niya hindi nagawa 'yon. Sana lang talaga mahanap niya ang taong 'yon."

Biglang kumirot ang aking dibdib at tila nahihirapan akong huminga. Ang isiping may ibang lalaking aako sa anak ko ay parang pinipiga ang puso ko. Ako lang dapat ang tatayong ama sa anak ko. Wala ng iba pa.

"I-I'm sorry if I disappoint you. Nagpakagago ako. Nagpakatanga. Pero pinapangako ko sa inyo, ibabalik ko dito ang mag-ina ko. Mahal na mahal ko si Vina, mahal na mahal ko sila ng anak ko."

***

Vina's POV

"Vina, cr lang ako sandali ha. Pakibantayan naman saglit baka may bumili." Pakiusap sa akin ni Laila, kapatid ni Tiya Saleng at Papa.

He Owned Me At Seven Où les histoires vivent. Découvrez maintenant