Chapter 3

7.6K 175 32
                                    

"ATEEE!!!!!"

'Five minutes pa...'

"ATEEE!!!!!"

'Huwag nyo muna akong gisingin..gusto ko pa matulog.

"ATE ALAS SIETE Y MEDIA NA!!!"

'Alas siete y media pa lang naman ihhh..'

Binaliwala ko ang sigaw ni Erol sa tabi ko. Tinatamad pa akong bumangon. At saka alas-sie-------Shet!

Napabalikwas ako ng wala sa oras. 'Aww ang sakit ng ulo ko.'

"Ate male-late ka na!"

"Alas-siete y media na????" Tanong ko kay Erol na halatang nagulat dahil sa bigla kong pagsigaw ko.

"Ate seven thirty-five na ngayon."

"What the--- bakit di mo ako ginising?!"

"Ate kanina pa kita ginigising, ikaw itong ayaw gumising."

Aish. Wala akong nagawa kundi magmadali sa paliligo. Hindi ko na ininda ang ulo kong parang binibiyak basta ang mahalaga, makarating ako sa CGC ng hindi nale-late.

Hindi na ako kumain, hindi na din ako nagsuklay. Basta pagkabihis ko, kumaripas na ako ng takbo sabay sakay ng jeep. Pinatitinginan ako ng mga pasahero, kasi naman parang gripo pa ang buhok ko. Tulo ng tuloy habang sinusuklay ko. Malamang sa malamang sobrang tigas nito pag natuyo dahil sa nagdikit na mga gabok galing sa daan.

"Manong para!" Pagkababa, humagunos na ako papasok ng CGC. Bahala na kung mukha akong luka-luka dahil sa sabog kong buhok o  dahil sa damit kong gusot. Late na ako!!

"G-Good Morning!" Bati ko pagkapasok ko ng finance department. Gulat na gulat ang mga itsura nila, may nakatabig pa nga ng tasa.

"Anyare sa'yo?"- Joyce

"Ba't mukha kang sabog?"- Elma

"Teh, para kang pinagtulungan ng sampung bakla."- Russel

"Tinanghali ako ng gising." Simpleng sagot ko sa mga tanong nila.

Hinagilap ko ang suklay at salamin ng makaupo ako sa table at sinimulang mag-ayos. Para pala talaga akong sabukot dahil sa sabog kong buhok. Idagdag mo pa yung mukha kong maputla dahil wala man lang pulbo at lipstick.

"Siguro may after party ka pa kagabi 'no?" Sinulyapan ko si Elma na syang magsalita sa tabi ko.

"Psh. Hindi ako nagparty. Nagluksa ako." Actually, wala akong matandaan kagabi, kung anong nangyari at kung paano ako nakauwi. Basta nagising na lang ako, nasa kwarto na ako.

"Saan ka nagpunta?"

"Sa Head Bang."

"Nag Bar ka??" Gulat nyang tanong. Syempre, alam kasi nilang good girl ako eh. Never magagawi sa mga ganoong lugar. "Bakit hindi mo kami niyaya? Sinong kasama mo??"

"Si Ge------este mag-isa lang ako." Pagsisinungaling ko. Oo nga pala kasama ko si Gene kagabi! Ibig sabihin, sya ang naghatid sa akin? Alam nya kung saan ako nakatira??

"Mag-isa? Nakaya mo?"

"Oo naman. Ang saya nga eh." Nag thumbs-up ako sa kanya pero agad din akong napahawak sa noo kasi ay biglang kumirot. "Awww."

"Ano may hang-over ka?"

"Oo eh. Grabe ganun pala kapag uminom, parang pinupukpok ang ulo mo." Sabi ko saka bahagyang umub-ob sa lamesa.

"Tss.. Eto ang kape. Pampatanggal hang-over." Ani Joyce saka nilapag ang kape na galing sa vendo.

"Salamat."

He Owned Me At Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon