Chapter 27

2.7K 68 17
                                    

A/N: First of all, PLEASE DON'T JUDGE ME. Ang chapter pong ito ay malandi. Alam kong hindi ako magaling sa ganitong bagay pero sana ay magustuhan niyo pa rin ang chapter na 'to.

Ps: Pa-hug po, kailangan ko ng comfort niyo. Thank you.

***

The next day,

Masaya akong nagtungo sa CGC. Bukod sa ngayon ang balik ni Gene mula Zambales, makikipag-usap ako sa kanya at sasabihin ko na okay na ang lahat sa pagitan namin ni JP. Sasabihin ko na wala na siyang dapat ipag-alala pa tungkol sa nakaraan namin dahil nagkapaliwanagan na kami.

Maaga akong gumising dahil ipinagluto ko siya ng lunch na pagsasaluhan namin mamaya. Bitbit ang paper bag, nakangiti kong tinungo ang aking table at sinimulang magtrabaho.

Matagal-tagal na din akong nakaupo sa harap ng aking computer ng marinig kong tumunog ang aking cellphone. Sinilip ko ito at nakitang meron na namang text mula sa unknown number.

'Sooner or later your smile will turn into cry.' Sabi sa text.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone habang iniisip kung sino ang posibleng magpadala nito sa akin. Si Jemaru kaya? O si Tamara? Pero wala dito si Tamara so may possibility na si Jemaru ang nasa likod ng mga text na natatanggap ko. Bakit hindi na lang nya tanggapin na ako na ang girlfriend ni Gene at nakaraan na lang siya?

Naiinis na binitbit ko ang cellphone at paperbag patungo sa elevator, balak kong puntahan si Gene bago pa man ako maunanhan ng kung sino man para bilugin ang kanyang ulo.

Pagdating sa twenty-fifth floor ay binati ko si Ms. Heidi na abala sa mga ine-encode sa computer. Tinanong ko siya kung nasa loob ba si Gene. Tumango naman siya at sinabing kasama nito ang tiyuhin. Hindi naman daw nagmi-meeting ang dalawa kaya maari akong pumasok.

Kumatok ako ng tatlong beses, ilang segundo lang ang lumipas ay nakarinig na ako ng mga yabag papalapit sa pinto. Bumungad sa akin ang nakakunot-noong si Ric na agad rin namang ngumiti ng makita ako.

"Hey Vina! Good to see you again!" Bati niya saka nilawakan ang pagkakabukas ng pinto.

"Hello Sir Ric, is Mr. CEO busy today? Can I talk to him?" Tanong ko.

"Not really. Come in." Sabi pa niya kaya tuluyan na akong pumasok sa loob. Wala si Gene sa office niya kaya marahil ay nasa private room niya ito. Nagulat ako ng maupo si Ric sa tabi ko na para bang close na close kami. "So, what do you want to talk with the CEO?" Pag-uusisa niya sa akin. "Is this about your job? I can help you in behalf of my nephew. Gene is busy talking to his girl right now."

Dagling napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.

"Girl?" Pag-uulit ko.

"Yeah? I overheard their conversation awhile ago, I heard him calling her Jem so I assume it was Jemaru that he was talking to."

Napaisip ako. Is it true? Nagkabalikan na kaya ulit sila?

May kung anong gumuhit na masakit sa aking dibdib.

"Ahmm.. Sir Ric, I think I need to go back to my table. I'll just talk to him when he's no longer busy." Sabi ko saka muling dinampot ang paper bag.

"Wait, I think he's done." Aniya. Napatingin ako sa private office, nakita ko si Gene na kakalabas lang don at kakalayo lang ng cellphone mula sa tenga. "Gene, 'm glad you're done, how's your conversation with your girl?"

"She's not my girl." Dipensa ni Gene na nakakunot-noong nakatingin sa cellphone. Tila nabuhayan naman ako ng loob sa naging sagot niya. Minsan, babawasan ko rin ang pagiging nega ko, malala kasi.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now