Chapter 33

2.3K 60 31
                                    

Continuation...

Gene's POV

Kinagabihan, gaya ng napag-usapan ay nakipagkita ako kay Jemaru.

"Babe." Nakangiting bati nya sa akin ng dumating ako sa pagdadausan ng dinner meeting namin. Napakunot ang aking noo ng makita ko ang set-up ng buong lugar. Malayong-malayo sa inaasahan kong itsura nito, walang ibang tao kundi kaming dalawa lang at ang isang waiter na nakatayo sa di kalayuan. Sa gitna ng malawak na garden ay may nakaset-up na table for two kung saan ay may nakahain na ding pagkain.

Nagtatakang nilingon ko si Jemaru.

"What is this? I thought we're going to have a meeting?" Nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

Hindi nya pinansin ang tanong ko, sa halip ay naglakad sya papalapit sa akin. Doon ko lang napansin ang suot nya na masyadong elegante para sa isang simpleng meeting lang. Kung pagbabasihan ang suot namin, ako na naka business suit at sya na nakasuot ng kumikinang na damit, iisipin ng iba na aattend kami sa isang grand ball. Pero ang sabi nya ay pag-uusapan namin ang tungkol sa merging ng mga company namin.

"Yes Babe." Sagot niya at dagling ipinulupot ang kamay sa aking kanang braso. Mabilis ko iyong inalis.

"Stop calling me Babe Jem. We're done." I told her but she just rolled her eyes and clang her arms again. I tried to remove it again but she didn't let me. Inihilig pa niya ang kanyang ulo sa aking balikat.

"I don't care, Babe. Let's eat." Sabi nya saka ako hinila papalapit sa lamesang pinahanda niya. Hindi na lang ako nagreklamo at hinayaan siya tutal hindi rin naman siya titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto. "I ordered your favorite foods, I hope you like it." Sabi pa niya.

Napatingin ako sa mga pagkain at totoo ngang mga paborito ko ang mga nakahanda, madalas na kinakain ko noon sa Italya.

"Jem, about the merging--"

"Let's enjoy the food first then we'll proceed to the meeting after, Babe." She cut me off.

I took a deep sighed.

Gaya ng sabi niya ay kumain muna kami, hindi na lang ako nagsasalita at hinahayaan lang siyang magkwento ng kung ano-anong nangyari sa kanya mula noong bumalik ako ng Pilipinas.

"Babe, do you remember your gift for me during our first anniversary?"

Hindi ako sumagot.

"Look, I'm still wearing it. This is so precious to me and I have no plan of removing it from my neck." Sabi pa nya na ang tinutukoy ay ang necklace na binili ko pa sa France noong minsang magbakasyon ako don.

To be honest, I feel bored. Ang utak ko ay na kay Vina na paniguradong naghihintay sa akin ngayon. She asked me to go out with her tonight and here I am, having a dinner meeting with Jemaru. Tinatamad talaga akong umattend sa meeting na 'to pero dahil malaki ang maitutulong ng kompanya nina Jemaru sa CGC bilang largest distributor of metals in Europe, malaki ang magiging epekto nito sa CGC kung sakaling magsasama ang dalawang kompanya, mas titibay at lalakas ito kumpara sa mga kakompetensya ko sa larangan ng construction business. Hindi naman ako natatakot na malugi ang CGC dahil marami pa akong ibang business pero hindi rin ibig sabihin non ay pababayaan ko na lang ito. Aside from CGC, I'm also managing Food business, car business, toy business and also, I bought lands not just here in Asia but also in Europe. At balak kong ipasyal paunti-unti doon si Vina.

Vina..

Alam kong hindi dapat ako maniwala sa mga pictures pero paano kung totoo pala? Paano kung  bukod sa akin, may iba pa pala siya?

Ipinilig ko ang aking ulo. Kailangan kong maging positibo.

Then, naalala ko na meron nga pala syang gustong sabihin sa akin, baka may kinalaman yon sa larawan na natanggap ko. Baka i-eexplain na nya kung bakit sila magkasama ni Samuel ng gabing 'yon. Baka naman nagkataon lang ang lahat, maybe I am just paranoid.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now