Chapter 16

4K 89 11
                                    

"Isa! Bitaw na kasi Gene!" Inis kong sabi habang inaalis ang mga braso nito sa bewang ko pero lalo lang humigpit ang kanyang pagkakalingkis. "7:55 AM na at hanggang ngayon andito pa tayo sa parking lot. Malelate na'ko." Maktol ko. Pa'no ba naman, ang aga-aga nya akong sinundo sa bahay  tapos mukhang malelate pa dahil sa kalandian nya.

Kahit pa nahihiya akong pumasok ngayon dahil sa nangyaring confession ni Samuel. Na nauwi sa isang epic na revelation dahil sa mga pakialamero kong kaibigan. Kahit papaano ay naawa ako dun sa tao, mabait sya sa akin at wala akong maipipintas na kahit ano sa kanya. Bukod sa nahuli na syang umamin, wala din naman kasi akong nararamdamang special para sa kanya. Mas mabuti na rin sigurong ganon nga ang nangyari.

"It's okay." Sabi nya. Ramdam ko ang panaka-nakang halik nya sa aking leeg pero binaliwala ko iyon. Kahit pa nakakakiliti lalo na kapag bumubulong sya sa may tenga ko pinipilit kong huwag mag-react. Ever since we became official he told me that he really like my neck. Yun daw ang favorite spot nya for the meantime, for the meantime kasi di pa naman daw kami nagka-cramping sa bed. There's so many part of my body where he can consider as best three after we do the cramping according to him. May ma-best three pang nalalaman. Hinampas ko nga. Mahalay talaga minsan ang bibig, walang preno kung magsalita.

"Ayokong ma-late."  Ayokong maakusahan ng tardiness no. Saka sayang yung gising ko ng maaga. Hirap bumangon lalo na kapag malamig ang panahon. Mas masarap bumaluktot at matulog.

"I'm your boss so why are you so afraid to be late?" Angal nya.

"Ke boss o hindi, lalabas na ako. At ikaw, sumunod ka after 3 minutes, okay?!" Wika ko. Nakangusong inalis nya ang mga braso bago humarap sa akin.

"Why do we need to do that? Let's just pretend that we unconciously enter the building on the same time."

"Ang kulit mo, di nga kasi pwede." Sabi ko pero nakatitig lang sya sa akin. "Bahala ka na nga." Dugtong ko pa saka nagmamadaling umibis ng sasakyan. Sadyang binilisan ko ang paglalakad para magkaron ng distansya kay Gene. Yun nga lang, di pa man ako nakakapasok ng entrance ay narinig kong may binati si Manong Guard mula sa aking likuran.

"Good Morning Sir." Bati ng Guard.

"Morning." Sagot ni Gene na ngayo'y nasa tabi ko na. "Good Morning Ms. Trinidad." He said while hiding the smirked on his lips. Wala sa sariling napairap ako dahil sa kakulitan nya. Hindi talaga marunong makinig. Tsk

Sa elevator ay may tatlo ng sakay ng pumasok kami. Agad kong pinindot ang tenth at twenty fifth floor pagkuwa'y inobserbahan ang tatlong kasakay namin sa elevator. Ang dalawa ay medyo bata, probably mga students na nagko-conduct ng kanilang on-the job training base na rin sa uniform at school ID nilang makasabit sa leeg. Tumatanggap kasi ang CGC ng mga OJT depende sa course nila pero mostly ay related sa business ang kanilang binibigyan ng slot. Samantala, ang isang babae naman ay kasing edaran siguro ni Gene.

"Good morning, Mr. Carbonel." She greeted without looking at me. Her focus was only for Gene.

Tss. He's mine so back off bitch!

Pero syempre hindi ko yun sinabi. Alert muna tayo, dipende na lang kung may gawin syang hindi ko gusto dahil baka mapangudngod sya sa sahid ng elevator ng wala sa oras. Pero syempre joke lang ulit yon. Hindi ako ganong klase ng babae 'no.

"Morning." Simple at walang ngiting tugon ni Gene sa babae na syang ikinapula ng pisngi nito. Automatic na napataas ang aking kilay ng pasadahan ko ng tingin ang kanyang suot. Sleeveless top ang damit nito na pinatungan ng kulay blue'ng blazer. Masyadong masikip kaya naman halos lumuwa ang dibdib. Habang sa ibaba ay isang hapit na hapit na miniskirt na halos isang dangkal lang ang ikli mula sa tuhod. Napailing ako. Pokpok skirt. Tsk. Pwede palang magsuot ng ganon dito sa CGC? Hindi ko alam yun ah.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now