Chapter 1

8.8K 228 54
                                    

"Ahhhhhh!!!!! Hindi maaari! Hindi pwede!!! Ayoko pa!!!!"

Inis na pinagpupunit ko yung kalendaryo na nakasabit sa dingding ng aking kwarto saka padabog na itinapon sa basurahan."Kainis!"

Agad akong bumalik sa aking kama na kasya lamang sa akin at saka pasalampak na humiga. Parang ayokong bumangon ngayon. Gusto ko na lamang magkulong sa kwarto buong maghapon.

Naiiyak ko. Gusto kong magpapadyak! Gusto kong maglasing!! Gusto kong----Arrggghh!!!

'Tok! tok!'

"Sino yan?!"

Padabog akong bumangon para pagbuksan ang kung sino mang hudas ang kumakatok sa aking kwarro. Nae-eemote ako eh. Pang-abala!

Pagkabukas ng pinto ay agad akong napatakip sa tenga dahil sa malakas nilang sigaw.

"HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!" Sigaw ni Nanay, Papa, Bunso, Tita, Tito, at mga kapit bahay. Jusko po, ang araw na kinatatakutan ko dumating na!

"Itapon nyo yan! Ayokong magbirthday!" Pilit kong itinutulak palayo sa akin ang cake na hawak ni Erol, ang kapatid kong nakakabata.

"Ate naman, hindi pwedeng ayaw mo. Pinaghandaan kaya namin ito." Sabi niya habang pinagduduldulan ang cake na hawak. Para naman akong nandidiri dahil don.

"Ilayo mo nga iyan. At utang na loob, alisin mo yang kandila kung ayaw mong ipakain ko sayo ng buo." Yung kasing kandila nya e hindi basta simpleng kandila. Eto yung korteng numero na nagpapahayag ng edad ko kaya lalo akong naiirita. Juice ko! Pinunit ko nga yung kalendaryo tapos heto, nakikita ko na naman ang kinaiinisan ko.

"Anak, Trentay-uno ka na."

"Sige Papa, ipaalala mo pa." Agad namang itinikom ni Papa ang bibig dahil sa sinabi ko. Samantala, naghagikhikan naman sina Nanay at tita sa tabi.

"Ate, kailan ka ba mag-aasawa? Makunat ka na." Inis na kinurot ko si Erol sa tagiliran. Walang hiyang bata. Alam na sensitive ako sa topic na yun, pinagduddulan pa. Nasan ang hustisya?

"Isa pang patutsada nyo sa edad ko may kalalagyan kayo"

Hindi na naman muling nagsalita ang sino man sa kanila dahil sa banta ko. Sa halip, niyaya nila ako sa kusina para kainin ang pagkaing inihanda nila para sa akin.

Wala na naman akong nagawa kundi lumabas at sumama sa kanila. Sa lamesa ay nakahain ang isang bilaong spaghetti at isang bilaong puto. Meron ding sopas at pancit palabok na panigurado in-order nila kay Aling Susan sa kabilang barangay.

"Anak, heto tikman mo itong puto, si Tita Saleng mo ang nagluto nyan." Sabi ni Papa habang pinagsasandok ako ng pagkain.

"Talaga Tita? Marunong ka?"

"Oo. Tinuruan ako ng aking biyenan. Diba Hon?" Aniya saka tumingin kay Tito Marcus na nasa tabi lang nya.

"Tama sya, Vinafe. Masarap magluto ng kakanin si Mama. Tikman mo. Panigurado magugustuhan mo yan."

Dumampot ako ng puto mula sa bilao at tinikman upang alamin kung tama ang sinabi nila. Napatango-tango naman ako dahil totoong masarap iyon. Nakadagdag pa sa sarap ang itlog at cheese na nasa ibabaw nito.

"Masarap nga. In fairness Tita, ang bilis mong natuto." Nakangiti kong sabi saka inubos ang putong hawak. Si Erol, Papa at Nanay naman ay naupo na sa harap ng lamesa. Gayun din sina tito at tita. Si Tita Saleng ay kapatid ni Papa, may dalawa pa silang kapatid kaso ay nasa probinsya. Si Nanay naman ay solong anak, wala na ang mga magulang. Meaning to say, wala na syang ibang kamag-anak bukod sa kapatid ng nanay nya na nasa Davao kung saan ito naninirahan.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now