Chapter 9

4.6K 124 16
                                    

Pagkarating sa bahay, padabog na bumaba ng kotse si Gene saka malakas na isinara ang  ang pinto nito. Halos mapapitlag ako sa sobrang gulat dahil sa ginawa nya, hindi na lang ako nagsalita sa halip ay tahimik na sumunod sa kanya papasok sa loob aming bahay.

"Oh mga anak, mabuti at dumating na kayo. Halina't kumain na kayong dalawa." Magiliw na sabi ni Nanay habang inaalis ang takip ng mga pagkaing nasa mesa.

"Ah Nanay, nakakain na po ako bago umuwi dito." Sabi ko. Sinundan ko nang tingin si Gene na nagmano kay Nanay at saka lumapit kay  Papa na nakaupo sa sala.

"Ano? Saan?"

"Ah may nagyaya po kasi sa aking isang kaibigan, kumain kami sa isang restaurant malapit sa munisipyo." Sagot ko.

Iba't-ibang putahe ang nakahain sa lamesa na ni minsan ay di pa naluto ni Nanay o ni Papa. Tiningnan ko Si Nanay na parang nagtatanong. Naiiling syang humarap sa akin saka muling nilagyan ng takip ang mga pagkain.

"Maagang nagpunta dito si Gene para ipagluto ka ng hapunan, sabay daw kayong kakain. Pagkatapos nyang lutuin ang mga ito ay nagbalik sya sa kompanya nyo para sunduin ka. Yun naman pala ay nakakain ka na." Mahabang paliwanag niya na syang nakapagpabagabag sa akin. "Mukhang masama ang loob sayo. Kanina nang umalis yan ay ang sigla-sigla, ngayon ay nakasimangot kaya nasisiguro kong nagtatampo yan sayo."

"Eh hindi ko naman po alam ih." Nasabi ko na lang.

"Kahit na. Suyuin mo si Gene at piliting kumain. Marahil ay gutom na iyan, ayaw lang ipahalata."

Malungkot na sinulyapan ko si Gene na nakikipagkwentuhan kay Papa. Ngumingiti sya at tumatawa pero alam ko masama ang loob nya sa akin. Bakit kasi ang wrong tuming mg pagluluto nya?

Paano ko ba sya susuyuin?

"Nay, may alam ka bang paraan para kausapin nya ako?"

"Aba'y malay ko. Ikaw ang mas nakakakilala sa kanya kaya dapat alam mo." Sabi nya saka ako iniwan.

Wala na akong nagawa kundi ang lumapit kina Gene sa sala, bigla syang tumayo. Akala ko ay para lapitan ako subalit hindi pala.

"Aalis na po ako Tito, medyo malalim na rin ho kasi ang gabi." Sabi nya kay Papa na hindi man lang sumulyap sa akin.

"Hindi ka na ba kakain? Sayang naman yung mga niluto mo." Tanong ni Papa na pasimpleng tumingin sa gawi ko. Kagat-labi akong napatungo dahil sa hiya.

"Hindi na po. Hindi naman po ako nagugutom." Sabi pa nya this time ay tumingin na sa akin. "Alis na ko." Aniya saka naglakad patungong pintuan.

"Gene sandali!" Habol ko sa kanya pero huli na dahil nakasakay na sya ng sasakyan. Mabilis na umandar ang kotse palayo sa aming bahay hanggang sa hindi ko na makita. Sa halip na pumasok ay nanatili ako sa labas habang nakatanaw sa tinahak nyang direksyon, umaasa na babalik sya. Ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin kaya't laglag ang balikat ko nang pumasok ako sa loob.

"Saan ka ba galing na bata ka at kung hindi ka pa sinundo ay di ka uuwi?" Tanong ni Papa sa akin na ngayo'y nagtitimpla ng kape.

"May sinamahan po kasi akong kaibigan. Hindi po namin namalayan ang oras."

"Tsk. Sayang naman ang effort ni Gene na ipagluto ka, pati tuloy sya hindi nakakain."

"Eh Papa hindi ko naman po alam ih."

"Ay sya, itago mo na sa ref ang mga niluto nya nang hindi mapanis, pwede pa yan bukas ng agahan." Utos nya saka binitbit ang tasa ng kape paakyat sa kwarto nila ni Nanay.

Sa kusina, malungkot akong nakatitig sa mga pagkain. Napagpasyahan kong tikman ang mga iyon kaya't kumuha ako ng kutsara sa tauban saka sumandok ng pagkain.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now