Chapter 29

2.4K 58 15
                                    

Hindi ko alam kung gaano na'ko katagal na umiiyak sa kwartong 'yon. Ang mukha ko ay nakasubsob sa unang yakap-yakap ko at doon ibinubuhos ang nararamdaman. Ang dami kong gustong gawin. Gusto kong sumigaw, gusto kong magalit, gusto kong saktan ang taong lumapastangan sa akin, gusto kong ilabas lahat-lahat ng saloobin ko sa mga oras na'yon.

Ngunit wala akong ibang magawa kundi ng umiyak.

Napahinto ako sa pag-iyak ng bigla kong narinig na bumukas ang pinto at may pumasok. Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman lang ang taong 'yon sa kabila ng takot na nararamdaman ko.

Narinig ko ang mga yabag niya papalapit sa akin hanggang sa huminto siya sa mismong tapat ko at naupo sa kama. Muli ay napaiyak ako.

"P-please patayin mo na lang ako. P-patayin mo na lang ako." Paulit-ulit kong sinasabi na hindi siya nililingon. Ayokong makita ang pagmumukha niya dahil lalo ko lang pandidirihan ang aking sarili.

Hindi ko naman siya narinig na magsalita. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at naisip ang mga susunod pang mangyayari sa akin.

Wala na akong mukhang maihaharap pa sa pamilya ko. Panigurado ring pandidirihan na ako ni Gene kapag nalaman nya ang tungkol dito.

Parang may punyal na tumarak sa aking dibdib ng dahil don. Si Gene na walang ibamg ginawa kundi mahalin. Bakit ko ba nararanasan 'to?

"D-Dapat pinatay mo na lang ako. D-Dapat hindi mo na lang ako hinayaan pang magising. Parang awa mo na p-patayin mo na lang ako." Pakiusap ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa makita silang lumalayo sa akin. Baka hindi ko kayanin.

Panay lang ang aking hikbi.

"Vina.." Ani ng boses lalaki sa aking tabi. Bigla akong natigilan at hindi agad nakahuma. Siniguro ko kung tama ba ang aking narinig. "Vina.." Muli'y tawag niya sanhi para mapakuyom ang aking kamao. Hindi ako makapaniwala na siya ang nasa kabila ng lahat ng ito. Ang taong buong akala ko ay napakabuti.

Sinubukan kong bumangon para kumbinsihin ang sarili kong hindi siya ang iniisip ko. Umaasa ako na mali lang ako ng narinig, pero bago iyon ay binalot ko muna ng maigi ang aking sarili saka siya hinarap.

"I-Ikaw?" Di makapaniwala kong tanong. Nag-init ang gilid ng aking mga mata habang nakatingin sa kanya. Ang daming kong gustong itanong sa kanya, kung bakit niya nagawa ito sa akin, kung bakit pa kailangang umabot sa ganito ang lahat at kung bakit mas pinili nyang gumawa ng masama sa kabila ng lahat ng kabutihang ipinakita niya sa akin pero... walang lumabas ni isa mula sa aking bibig.

"Ako nga." Sagot niya.

Muli akong napahagulhol at nilukob ng matinding galit ang aking kalooban kaya't pinaghahampas ko siya.  "W-walang hiya ka! Paano mo nagawa sa akin ito!! Hayop ka!! Binaboy mo 'ko!! Binaboy mo 'ko!!" Sigaw ko. Mukhang nagulat naman siya at hindi agad nakapag-react. "H-Hayop ka. B-bakit ikaw pa?"

"Sandali Vina, nagkakamali ka." Sinubukan niyang salagin ang mga hampas ko ngunit hindi ko siya tinigilan.

"Ang sama-sama mo!" Sigaw ko kasabay ng mga iyak. "A-akala ko kaibigan kita." Muli ko siyang pinaghahampas.

Nahawakan niya ang aking mga kamay at pilit akong pinapahinahon. Ngunit hindi ako nakinig, sinubukan kong magpupumiglas para makawala pero niyakap niya ako sanhi para mapahinto ako. "Vina, wala akong ginawa sa'yo." Aniya sa mahinahong tinig. Para naman akong natauhan at hindi agad magawang magsalita. Nilingon ko ang kanyang mukha at napansin kong nag-aalala siya para sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin, Samuel? H-hindi ikaw ang magpadukot sa akin?" Tanong ko, mabilis naman siyang umiling. Tila nabuhayan ako ng loob kahit na papaano ngunit hindi ko pa rin maitatangging natatakot ako.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now