Chapter 31

2.3K 66 21
                                    

"Why is everyone look surprise? May nangyari ba?" Muli'y tanong ni Gene sa amin. Naglakad siya papalapit sa akin, pagkuwa'y hinawakan ang makabilang balikat ko. "Baby, are you okay? Ang putla mo." Tanong pa niya.

Napakurap ako ng ilang beses bago ko naapuhap ang sasabihin.

"Ahmm.." Napalingon ako sa mga kasamahan ko para umisip ng pwedeng sabihin. "H-hinalikan kasi ni Russel si Joyce kaya kami nagulat." Palusot ko. Napa-cross finger ako sa likod habang nananalangin na sana ay paniwalaan niya.

Halos lumuwa naman ang mga mata ng dalawa at nandidiring napatungin sa isa't-isa. Nagturuan pa sila tapos ay sabay na umaktong kinikilabutan. Nagmamakaawang tiningnan ko silang lahat na parang sinasabing makisakay na lang.

Mukhang nakuha naman ni Elma.

"Ahahaha..O-Oo nga. Oo nga! Woah! Nakakakilabot!" Pakikisakay ni Elma sa sinabi ko. Alanganing lumingon ito sa dalawa at pasimpleng pinanlakihan ng mata.

Si Candice, Raymond at Tammy ay natatawa lang sa likod at kulang na lang ay picture-an ang epic face nina Joyce at Russel.

"Aha-ha-ha." Awkward na tawa ng dalawa.

"G-grabe baks! Ang baho ng hininga mo! Dumikit ata sa akin. Eeew!" Reklamo ni Joyce na tinulak pa ang kawawang si Russel.

"Ay bruha ka, akala mo naman ginusto ko! Parang liha yang nguso mo sa sobrang gaspang!" Bwelta naman ng isa.

Mabilis na nagusot ang mukha ni Joyce.

"Excuse me! Malambot to 'no!"

"Saang banda? Sa may gilagid??"

"Anong gilagid?! Bobo lang baks?"

"Ikaw ang bobo, grabe kinikilabutan talaga ako kapag sumasagi 'yon sa isip ko."

"Eh ano pa ako? Kung alam mo lang kung paano ako bangungutin tuwing gabi."

"Ngayon lang ako nakatikim ng labing lubak-lubak. Eew!"

"Hoy baks, baka nakakalimutan mong ikaw ang unang nanghalik! Daig mo pa ngang aagawan!" Bintang ni Joyce kay Russel, agad na nanlaki ang mga mata nito kasabay ng pamumula ng buong mukha.

"Tuwang-tuwa ka naman! Baka nakakalimutan mo kapit tuko ka pa nga sa akin 'non!"- Russel.

Nagkatinginan kaming lima maliban kay Gene.

Tungkol pa ba sa palusot ang sinasabi nila o totohan na?

"Ang sama mo! Para sabihin ko sayo lasing lang ako 'non!!" Parehas na nanlaki ang mga mata naming lahat kasabay ng pamumutla ng dalawa. Sabay na nag-iwas sila ng tingin, si Russel ay kumuha ng softdrinks samantalang si Joyce ay kinuha ang platong binitawan ko. "G-Gutom na 'ko! Hehehe K-kain na tayo..ser?" Biglang segway ni Joyce saka sunod-sunod ang ginawang pagsubo.

"He-he oo nga." Nagpalinga-linga si Russel hanggang sa mapadako ang tingin nito sa platong kinakainan ni Joyce. "Gaga! Panis na nga daw yan diba?!" Palusot naman ni Russel saka inagaw ang plato.

Nagpaasalamat ako kay Russel dahil itinabi na nya ang palabok, naaamoy ko pa rin kasi kahit ang layo-layo ko na. Ang baho talaga!

Nakahinga ako ng maluwag ng maging masaya na ulit ang atmosphere sa loob at syempre sa pangunguna ni Russel kahit pa medyo nakakaramdam ako ng awkwardness sa kanila ni Joyce.

I'll make sure na tatanungin ko sila mamaya. Mukhang may itinatago ang dalawang 'to, kaya rin siguro napapadalas ang barahan nila.

"Ikukuha lang kita ng pagkain." Paalam ko kay Gene at akmang tatayo na ng mabilis nyang nahawakan ang aking kamay.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now