Chapter 30

2.6K 62 31
                                    

Matapos na mabasa ang sulat ay pasimple akong nagtungo sa cr para pakalmahain ang sarili. Alam ko na hindi magiging normal ang buhay ko hangga't hindi humihinto ang kung sino mang gumagawa nito sa akin.

Nagawa niyang mailagay sa drawer ko ang sulat kaya't nasisiguro kong nandito lang siya sa loob ng building. Sa ngayon, kailangan kong maging maingat sa aking mga kilos dahil hindi ko alam kung sino ang kalaban, kung mag-isa lang ba siya o may kasama.

Nang sa tingin ko ay kalmado na ako, lumabas na ako ng cr. Nakasalubong ko si Candice na parang nag-aalala sa akin.

"Masakit pa rin ba ang tiyan mo?" Aniya.

Dagli naman akong umiling.

"Hindi na. Okay na ako." Sabi ko saka ngumiti. "Sige, mauna na ako."

Pagbalik sa aking pwesto, pinilit kong maging normal ang aking mga kilos. Ayokong isipin nila na may bumabagabag sa akin at lalong ayokong isipin ng taong 'yon na nababahala ako. Gusto kong iparating na hindi ako matatakot sa kanya, na hindi ako papaapekto sa mga pananakot niya.

Napaangat kami ng tingin ng biglang tumayo si Joyce sa gitna.

"Two weeks from now ay birthday ko na!" Masayang anunsyo nito sa lahat. "At dahil birthday ko, magti-treat na lang ako ng foods pero dito lang ha. Hindi ko na kayo mayayayang kumain sa labas kasi may dinner ako with the fam. Kailangan kong umuwi ng maaga." Sabi pa niya.

"Okay lang 'yon. Kahit nga hindi ka na pumasok basta iwanan mo lang yung pambili ng foods." Wika naman ni Russel. As usual, binabara na naman niya si Joyce.

"Ang hard mo talaga sa akin, gurl. Hindi kita pakainin e!" Anito na naiinis.

"Ay hindi talaga ako kumakain ng tahong gurl, like eew?" Nandidiring sabi naman ng isa.

"Hala, bakit napunta sa tahong? Pagkain ang sinasabi ko! Palibhasa utak dikya ka."

"Grabe sya, wala namang personalan. Joke lang 'yon, gurl." Umakto itong nasasaktan.

Nailing na lang kami sa kanila. Minsan talaga ang hilig nilang asarin ang isa't-isa pero hindi naman mapaghiwalay. Pwede na nga silang kambal tuko e. Kung lalaki lang si Russel tiyak na bagay sila ni Joyce. Gwapo kaya 'tong baklang 'to tapos cute naman si Joyce. Yun nga lang, mas malambot pa sa malambot itong si Russel kaya imposible.

"May gusto ba kayong i-request?" Pagkuwa'y tanong ni Joyce sa amin.

"Pizza!" Suggest ni Candice. Kapag usapang pagkain, go na go din ang isang 'to.

"Oo nga, yung hawaiian overload at bacon and cheese." Segunda ni Elma na parang biglang natakam. Palibhasa buntis.

"Sa'ken e carbonara." Pakikisali ni Raymond.

"Oo nga gusto ko rin 'non."- Russel

"Mahilig din ako sa Carbonara. Sa inyo, Vina at Tamara?" Tanong ni Joyce, napaisip naman ako kung anong masarap na kainin.

"I like carbonara and pizza too." Nakangiting wika ni Tammy. Napatango sila, ibig sabihin ay wala masyadong magiging problema sa pagkain.

"Ikaw na lang Vina ang hindi nagsa-suggest." Puna sa akin ni Joyce buti na lang at may nagpop-up sa utak ko.

"Pwedeng palabok? Matagal na akong hindi nakakakain 'non e. Namimiss ko na." Sabi ko.

Nakita kong naglista sa papel si Joyce para siguro hindi makalimutan. Nang okay na ang lahat ay nagsipagbalikan na ulit kami sa trabaho. Maging ako ay nagfocus na rin sa ginagawa pero paminsan-minsan ay sumasagi pa din sa isip ko ang sulat.

Pero dahil wala akong maisip kung sino ang may pakana, sa huli ay sinawalang bahala ko na lang din.

Nang dumating ang tanghalian, nagtext sa akin si Gene na may meeting daw siya, yun daw yung ka-meeting niya kahapon na ipina-resched niya para lang mapuntahan ako. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa kanya. Pinakamasarap na pakiramdam ay yung gumising ka sa umaga katabi ang taong mahal mo. Bonus na kapag sobrang gwapo at matitigas na abs. Sarap himasin! Char. Lumalantod na naman ako.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now