Chapter 21

2.7K 79 13
                                    

"Okay na ba ang make up ko?"

"Ayos na. Ganda mo nga e."

"Hindi ba makapal ang blush on? Para kasing puputok e."

"Ayos lang yan. Gabi naman ang party kaya kailangan medyo makapal."

Nakatingin lang ako sa isang participant na kakatapos lang ayusan ng isang bakla. Hindi naman  masyadong makapal ang make-up nya, kung tutuusin ay bagay nga ito dito. Maganda sya pero medyo maliit ang pangangatawan. Kung babasehan ay nasa flat five ang taas siguro nito.

Samantala, ang iba naman ay tapos na ring ayusan. Ang gaganda nila at ang bobongga ng costume, halatang pinaghandaan. Habang ako....

"Huwag mo silang tingnan, Friend." Ani Elma habang inaayusan ako.

"Hindi ko maiwasan, ang gaganda nila kasi." Sabi ko, na nananatiling nakatingin sa kapwa ko participants.

"Maganda ka din naman ah. At mas pagagandahin pa kita."

"Mag back-out na lang kaya ako? Wala naman kasi akong talent."

"Baliw! Iyan ang wag mong gagawin kundi makukurot kita."

"E wala naman kasi akong panama sa kanila."

"Positive lang, Friend. I know, you will win this competition. Para saan pa't jowa mo ang isa sa judges. Hindi lang basta judge, manggagaling sa kanya ang pinaka-malaking porsyento kaya huwag kang nega."

"Para mo na ring sinabi na magiging bias si Gene sa desisyon niya porke kasali ang girlfriend niya."

"Oy hindi a. Basta alam kong mananalo ka. Nga pala, may ipepresent ka na bang most valuable thing mo?" Usisa nya kaya't naalala ko ang usb ko. Nandoon kasi yung ipepresent ko.

"Oo meron na."

"Galingan mo ha. Ipagchi-cheer kita."

"Salamat, Elms."

Sinimulan na nya akong ayusan, paminsan-minsan ay nag-uusap kami tungkol sa pagbubuntis nya pero madalas ay tahimik lang kami. Mukhang seryoso talaga syang pagandahin ako. Kasalukuyan akong nakapikit dahil nilalagyan na nya ako ng eye shadows ng biglang may pumasok.

"Hi guys!" Narining kong bati ng isang babae kaya't napamulat ako. Nakita ko si Tamara na nakatayo sa may pinto suot ang isang sexy reindeer custume na nagpalitaw sa mapuputi nitong legs. May headband din syang parang sungay na marahil ay ka-match ng kanyang suot.

Ngayon pa lang ay parang gusto ko ng magback-out. Looking at Tamara right now made me feel hopeless and defeated. Parang kahit anong gawin kong effort mamaya ay walang-wala akong magiging panama sa kanya.

"Elms, umatras na lang kaya ako?"

"Babatukan kita kapag ginawa mo yan. Relax ka lang okay?"

"E kasi naman, tingnan mo si Tamara, sobrang ganda nya."

"E ano naman? Basta do your best, ipagchi-cheer ka namin." Sabi nya, ako naman ay napabuntong hininga na lang.

Makalipas ang halos isang oras ay tinipon na kmi ng mga organizer sa back stage. Sobrang namamawis ang kamay ko dahil sa kaba. Sino ba namang hindi kakabahan kung makikita mong ikaw ang pinakakulelat sa mga kasamahan mo. Sobrang napaghandaan nila ang araw na ito. Hanggang ngayon nga ay kinakabahan pa rin ako para sa talent na ipapakita ko. Idagdag mo pa yung custume ko na mukhang sinabutahe. Nung kukunin na kasi namin sa  locker, may mantsa na ito ng black ink. Hindi ko alam kung aksidenteng natapunan o may tumapon talaga. Buti na lang may dalang extra si Russel in case of emergency daw. Yun nga lang medyo sexy at litaw na litaw ang aking legs. Originally, isang panjama typed lang sana yung isusuot ko pero dahil nga sa nangyari, napilitan akong magsuot ng sexy at hapit na damit.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now