Chapter 2

8K 225 81
                                    

Tulad ng sabi ni Gene, nagsipagbalikan na kami sa aming mga table para magtrabaho. Patapos na naman ako sa report ko. Ipa-finalize ko na lang, pagkatapos non pwede ko ng ipasa.

"Paano kayo nagkakilala ni Sir Genesis, Vinafe?" Tanong ni Elma na syang malapit sa akin. Si Joyce kasi nasa kabilang dulo ang table pero narinig ko syang sinabihan si Elma kanina na kwentuhan na lang daw sya mamayang lunch.

"Magkatapatan ang school namin dati. Sya grade school ako naman fourth-year high school."

"Ahh, ibig sabihin bata pa si Sir? Akala ko kasi ex mo sya."

"Baliw! Kakilala ko sya dati. Siguro 24 na sya ngayon."

"Ahh.. " Napatango-tango si Elma dahil sa sinabi ko. "Pero ang gwapo nya diba?"

"Oo. Dati pa naman alam ko nang gwapo sya paglumaki."

Napangiti ako nang maalala ko yung mga panahong ang liit-liit pa nya. May bimpo sa likod at laging may body guards na kasama. Natatandaan ko pa noon, lagi syang habol ng punas ng yaya nya kapag pinagpapawisan. Madalas din, sumusulpot sya sa klase ko para pagtaguan ang mga body guards nya. Agad naman syang nahahanap pero hinahayaan lang sya na nakaupo sa tabi ko. Mag-aabang lang ang mga ito sa labas ng classroom ko at hihintayin ang paglabas namin.

Hindi naman na sila bago sa mga guro ko, sanay na sila na biglang dadating si Gene at makikiupo sa tabi ko. Minsan nakikinig pa nga na akala mo naiintindihan ang idini-discuss sa unahan. Ang ginagawa ko na lang, binibigyan ko ng papel para may drawing-an sya.

Ganon din si Yaya Menggay, alam na alam nya kung saan hahanapin si Gene kapag nawala. Pupunta sya sa klase ko para sunduin ang alaga. Alam nya kasi na sa akin naman lagi nagtutungo si Gene pagkakatapos ng klase nito.

Nakakatuwa palang alalahanin ang mga sandaling iyon. Yung mga ka-cute-an nya at yung mga rosas na madalas nyang ibigay. Pagdating sa bahay, inilalagay ko yon sa garapon na may tubig para di agad malanta. Akala pa nga nina Nanay, si JP ang nag bibigay, ang sweet daw ng BF ko. Sinabi ko naman na hindi kay JP galing ang mga rosas, kundi kay Gene, ang manliligaw kong grade 3 student. Ayun, tinawanan lang nila ako. Child abuse daw. Wala naman akong magawa kundi hayaan si Gene, hindi ko basta-basta masaway kasi baka umiyak. Kung naging magsing-edad lang siguro kami, baka sinagot ko sya dati. Ang sweet kasi tapos ang gwapo pa at ang kinis ng balat.

At hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwalang nakita ko na ulit sya. He changed into a very fine man. Matangkad, mayaman, matalino at higit sa lahat, gwapo. Siguro madami na syang naging girl friend, o baka naman may fiance na sya ngayon. Hindi naman siguro masama kung maging ate ako sa kanya diba? Na-miss ko kasi sya.

"Ms. Trinidad.." Napatingin ako sa pinto kung saan naroon ang babaeng tumawag sa akin. Si  Ms. Heidi, secretary ni Boss Eubert.

"Ms. Heidi bakit po?" Tanong ko.

"Pinabibigay ng bagong CEO, pa-birthday daw nya sa iyo." Iniabot niya ang isang paper bag na medyo may kalakihan at isang tangkay ng rosas na katulad ng mga binibigay nito noon.

"Ganun ba? Pasabi salamat kamo." Nginitian ko si Ms. Heidi matapos kong tanggapin ang mga inabot nya.

"Sige. Babalik na ako sa trabaho ko." Paalam nya saka lumabas ng finance department.

Nagsipag-lapitan naman ang mga kasamahan ko para maki-chismis kung bakit ako binigyan ni Gene ng regalo at bulaklak.

"Nililigawan ka ni Sir Genesis?" Tanong ni Raymond na isang accountant.

"Hindi ah. Kaibigan ko lang sya at parang Ate na nya ko." Sabi ko naman habang inaamoy ang rosas.

"Eh ba't may bulaklak?" - Candice

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now