Chapter 19

3.2K 70 9
                                    

Author's Note:

Hi! It's been a long time!! Alam ko sobrang tagal na nung huli akong nag-update at gusto kong humingi ng pasensya. Sorry for being so mabagal (konyo e?) Pero seryoso sorry and thank you dahil kahit sobrang bagal naghihintay pa din kayo ng kasunod. Salamat sa patuloy na nagbabasa at bumoboto sa HOMAS!! Etong update na ito, hindi ko alam kung magugustuhan nyo. But still, I want to dedicate this chapter to some people na bumoto at nagcomment sa HOMAS. Thank you! Lalabs!

Dedicated to: transpack BluJernette YhaLois beautynbigboss jhoanZoe

Hope you like this guys!!




*****





Tahimik lang kami ni Gene habang nasa sasakyan. Matapos kasi na maihatid si Tamara sa kanila, biglang nagbago ang mood nito. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, kung galit ba siya o wala lang talaga sa mood.

Pagkaraan ng ilang minuto, pansin ko na hindi daan pauwi sa amin ang tinatahak niya pero pinabayaan ko lang hanggang sa huminto siya sa isang restaurant. Agad siyang bumaba ng kotse, akala ko ay siya lang ang bababa kaya medyo nagulat ako ng buksan niya ang pinto sa aking gilid.

"Let's go." Aniya saka hinawakan ang aking kamay. May sumalubong sa aming valet kung saan inabot ni Gene ang kanyang susi. Hindi na lang ako nagreact dahil ganon naman talaga ang mga mayayaman. Lalo na kapag sa isang pang mayamang restaurant ka kakain, kalimitan ay may mga valet na siyang inaatasang mangalaga sa sasakyan.

May sumalubong sa aming babae kung saan iginiya kami sa isang pribadong silid. Tatanungin ko sana si Gene kung anong gagawin namin don ngunit agad ring nahinto ng makita ko ang isang lamesa na punong-puno ng pagkain. Ibang-iba ang set-up nito kumpara sa nakita ko sa labas. May wine na nakalagay sa gitna ng mesa at sa magkabilang dulo ay may dalawang baso. Samantala, may mga nagkalat na petals sa sahig at mangilan-ngilang scented candles na nakapalibot sa lugar na syang nagsisilbing ilaw sa loob.

Romantic.

Yun ang masasabi ko sa nakikita ko. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa nakikita kaya naman nakangiting hinarap ko si Gene. Nakangiti rin siya sa akin at masuyong hinalikan ang aking kamay.

"Do you like it?" Tanong niya kaya't tumango ako.

"Kelan mo ito pinahanda?"

"Kanina habang natutulog ka. I want to surprise you through this dinner date. Kasi, mula ng maging tayo, ngayon pa lang kita nayayang magdate."

"Hindi na naman kailangan kasi madalas tayong kumain ng sabay." Sabi ko. Ipinaghila nya ako ng upuan na malugod ko namang tinanggap at inupuan bago sya umupo sa isa pa.

"But still, I want to do this." Aniya saka sinimulang lagyan ng pagkain ang aking plato. Samantala, may isang waiter naman ang lumapit para salinan kami ng wine. "Let's eat."

Tahimik naming pinagsaluhan ang pagkaing ipinahanda niya, walang usapang nangyari basta may oras na lang na habang kumakain ay mapapatingin kami sa isa't-isa, mapapangiti at pagkuwa'y matatawa. Meron din pagkakataon na sinusubuan niya ako at ganon din ako sa kanya.

Nang matapos kumain, nanatili lang kaming nakaupo ni Gene. Wala na ang aming pinagkainan ngunit nananatiling nasa lamesa ang alak at mga baso namin. Nagkukuwentuhan lang kaming dalawa ng kung ano-ano ng mapansin ko ang bigla nyang pagbuntong hininga ng malalim.

"May problema ba?" Usisa ko. Muli nyang hinawakan ang aking kamay bago tumingin ng diretso sa aking mga mata.

"I just want to say sorry." Malungkot niyang wika. Kumunot ang aking noo dahil wala akong ideya kung bakit sya nagso-sorry.

He Owned Me At Seven Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz