Chapter 17

3.4K 69 17
                                    

***

Kinabukasan, nagising ako dahil sa iyak ng isang sanggol kaya't bumangon na ako, sa kusina ay natanaw ko si Mariel na bahagyang dinuduyan ang anak habang abala sa pagluluto. Hindi ito magkandamayaw sa pagpapatahan sa umiiyak na anak at paghalo sa sinangag.

"Shhh.. Tahan na baby, nagluluto lang si Mommy. Malapit na 'kong matapos."

'Uwaahhh! Uwaaahhh!'

"Konting tiis na lang 'nak." Alo pa nya. Doon ko na naisipang lumapit.

"Baka naiinitan na. Ako na ang bahalang tumapos sa niluluto mo." Wika ko sanhi para mapalingon sya sa akin.

"Pasensya na, nagising ka ba ni Baby?" Hinging paumanhin ni Mariel.

"Ayos lang. Amina yang siyanse, ako na ang tatapos nyan."

"Salamat." Inabot nya ang siyanse sa akin na agad ko namang kinuha at humarap sa gasul. "Salamat nga pala sa tulong mo kahapon." Aniya pero hindi ako lumingon o nagsalita man lang. Tahimik kong ipinagpapatuloy ang niluluto nya. "Dalawang beses mo na kaming tinulungan ng anak ko."

"Lagi bang ganon ang asawa mo sayo?" Tanong ko, nananatili pa ring nakatalikod.

"H-hindi ko pa sya asawa." Aniya. Pinatay ko ang gasul at humarap sa kanya. Kasalukuyan syang nakatingin sa anak habang bine-breastfeed ito. Hindi man magsalita, bakas sa mukha nito ang lungkot.

"Pero may anak na kayo."

"Oo. Pero kailan man ay hindi nya ako inalok na maging asawa." Bakas sa tono niya ang hinanakit, naroroon na naman yung awa sa dibdib ko. Bakit hindi sya inaalok ni JP?

"Lagi ka ba nyang sinasaktan?" Tanong ko. Mapakla syang napangiti bago itinuon muli ang atensyon sa anak.

"Kasalanan ko naman kaya sya nagkaganon." Aniya.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng sinabi nya pero kung may kinalaman man yun sa nakaraan namin ay wala na akong paki do'n. Labas na ako sa isyo nilang dalawa.

Kung hindi pa tumunog ang doorbell ay baka mananatili pa kami sa ganoong estado. Marahil ay tahimik pa rin kaming dalawa. Hinayaan kong si Mariel ang magbukas ng pinto, ako naman ay inihanda na ang hapag dahil alam kong si Gene na ang dumating.

"Hi Ate Mariel, si Vina?" Narinig kong tanong ni Gene.

"Hello Gene, nasa kusina si Vina."- Mariel

Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa akin, maya-maya lang ay naramdaman kong may dalawang matipunong braso ang yumakap sa akin mula sa likod. Bukod don, nalanghap ko rin ang kanyang mabangong pamango na mukhang pinasadya pa dahil wala pa akong naamoy na ganon mula sa iba.

"Good morning, baby." Bati nya bago ako mabilis na hinalikan sa pisngi.

"Good morning din. Maupo ka na, malapit na akong matapos." Sabi ko.

"What did you cook for breakfast 'hmm?" Tanong nya na nanatiling nakayakap sa akin.

"Hindi ako nakapagluto, si Mariel ang nagluluto nito kanina kaya lang umiyak si Baby Jayrel kaya ako na lang ang nagpatuloy." Sabi ko. "Bitaw na para matapos ko ng ihanda ang mga plato."

"Okay. Can you prepare my coffee, baby?"

"Okay po, walang problema." Nangingiting sagot ko sa kanya bago pinisil ang kanyang makinis na pisngi.

"Great." Naupo na sya sa harap ng mesa habang si Mariel naman ay binitbit ang anak patungong kwarto marahil ay para maihiga ito. Ilang minuto lang ay bumalik na sya kaya naman nagsimula na kami sa aming agahan.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now