Chapter 14

3.9K 92 5
                                    

Kinabukasan,

Nakangiti ako nang pumasok sa office. Unang bumungad sa akin ang malisyosang ngiti ni Elma habang nakatingin sa akin. Syempre, sa nalaman nya kahapon, lalo syang nagkaron ng rason para tuksuhin ako. Nginitian ko sya bago ako naupo sa aking table.

"Blooming ka, Friend. Nadiligan ka no?" Tukso nya sanhi para ako ay pamulahan.

"Anong nadiligan? Bunganga mo talaga minsan bastos." Sabi ko.

"Sus, kunwari ka pa e kulang na lang umabot sa Buendia ang ngiti mo nung pumasok ka."

"Masaya lang ako, okay?"

"Kasi nga, magkasama kayo kagabi."

"Hindi ah.."

"Huwag ka ng magdeny, nasa drawer mo ang ebidensya." Sabi nya kaya naman agad kong binuksan ang drawer para alamin ang tinutukoy nya. Sa loob ng drawer ay may isang tangkay ng rosas at maliit na teddybear, meron ding naka-attach na sticky note.

'Good morning, Baby. See you later.'- G

"O diba? Ang sweet ni Sir Ge---" Pinanlakihan ko sya ng mata. "Ni libidabs mo!"

"May boyfriend na si Vina??" Biglang singit ni Joyce ng marinig ang sinabi ni Elma. Medyo napalakas ang kanyang boses sanhi para mapatingin sa amin ang lahat ng nasa loob.

"Yes. At ang gwapo ng jowa nya!" Pagmamalaki ni Elma. Pinanlakihan ko sya ng mata para patigilin pero ngumisi lang sya.

"Sino?? Kilala ba namin?"- Joyce

"Nandito lang din ba sa building?"- Candice

"Si Samuel ba?"- Raymond

"Pakilala mo kami, Girl!"- Russel

"Magsitigil nga kayo. Hindi ko pa sya boyfriend, okay? Advance lang itong si Elma." Sabi ko.

"Eh bakit ba? Doon din naman ang tuloy non, 'no."- Elma

"Kahit na." Sabi ko.

"So, sino nga??"- Joyce

"Pakilala mo naman kami."- Russel

"Alam mo namang pakaabang-abang namin yan diba?"- Joyce

"Naku, pag nalaman nyo, tyak na magugulat din kayo."- Elma

"Kilala mo na? Andaya! Bakit kami hindi?"- Joyce

"Kwento mo naman sa'men." Pamimilit nila.

"Ay hinde! Walang magkukwento at walang ikukwento, okay?" Napasimangot naman sila. Totoo namang hindi ko pa sya boyfriend kasi wala naman kaming napag-usapan kagabi. At isa pa, wala akong balak ipagkalat ang kung ano mang meron sa amin ni Gene.

"What's going on here?"

Agad silang nagsipagbalikan sa kani-kanilang pwesto nang bigla naming narinig si Gene na nagsilita. Bakit ba lagi syang bumibisita sa office namin? Baka mamaya, maghinala na sila. Hindi naman sya galit, in fact, nakangiti pa nga sya.

"Hi Sir." Bati nila.

"Sir, masaya kayo ah. Bakit kaya?" Banat ni Elma. Napapikit ako nang wala sa oras. Kuh~ masasabunutan ko talaga ito mamaya.

"Something just happened last night, that's why I'm happy." Sagot nya. Biglang nag-init ang aking mukha dahil don.

"Talaga Sir? Ano po iyon??"- Elma

"It's a private."- Gene

"Kunyari pa si Sir, if I know.." Tukso ni Elma. "Aww!" Daing nya ng pasimple ko syang kurutin. Tumawa lang naman si Gene. Sina Joyce at Russel ay nakibiro din.

He Owned Me At Seven Where stories live. Discover now