CHPATER TWENTY SEVEN

Magsimula sa umpisa
                                    



Hindi ako umimik at nakatitig lang sa kaniya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala rin akong karanasan dahil si Zeiah palang naman ang nagugustuhan ko. And I chose to let go of that feeling because of my brother.




"Kapag nagmahal ako, una kong itatanong sa sarili ko. Is he worth risking for? Is he worth it that I let myself hury anytime? Is he worth my time? Does my love for him worth it? Does he deserve me?"





"Is he?" I asked. Lumingon siya sa akin at ngumiti.




"I don't know. Hindi pa naman ako nagmamahal. Hindi pa ako ready. Pag-nagmahal kasi, kasama na roon ang pag-eexpect, overthinl, at pag-aassume. Tingin ko doon mas nasasaktan ang mga nagmamahal dahil nag-expect sila nang sobra-sobra."




"Ang dami mo naman palang realization," natatawang sabi ko at ginulo ang buhok niya. Sumama naman ang mukha niya.





"Don't mess my hair, Luxrill. Ang tagal kong inayos 'yan. Muntikan pang masira kanina," nakangusong sabi niya.





Matatawa sana ako pero biglang sumulpot si Kuya sa harap namin. Buhat-buhat niya si Zeiah na walang malay. Shit! Anong nangyari?





"Open the door and drive us back
to V.A. Faster, Luxrill!"




Agad ko namang sinunod ang sinabi niya. Pumasok sila sa backseat habang ako ay pumunta sa driver seat. Pumasok na rin si Lorainia sa loob. Mabilis kong pinaandar ang kotse pabalik sa V.A. habang patingin-tingin kay Kuya sa rearmirror.





Damn! Umiiyak si Kuya! Ngayon ko lang siyang nakitang ganito at may takot sa mga mata niya. Tumuon ang tingin ko kay Zeiah na nakahiga sa lap niya. Shit! Ano bang nangyari?






Nakarating kami sa V.A. at agad na pumunta si Zeiah sa clinic sa loob. Naroon naman si Madame Scarlett at ang doctor naming mga bampira para suriin siya. Hindi naman mapakali si Kuya sa labas kaya hindi ko mapigilang hindi siya titigan. Nag-aalala rin ako kay Zei pero sobra si Kuya dahil parang takot na takot ito.





Alam kong gusto ni Kuya si Zei. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito. Ni hindi umiiyak si Kuya sa harapan ko at never ko pang nakitaan ng takot sa mga mata niya. Sigurado ako, hindi lang pagkagusto ang nararamdaman niya.






Biglang lumabas si Madame Scarlett sa kwarto kung nasaan si Zei. Seryoso ang mukha niya na parang may nalaman na kung ano.



"She's safe," she said. Nakahinga naman kami ni Kuya. "But, she needs blood to regain her strength. An animal blood will do."






"What?" tanong ni Kuya. Napakunot ang noo ko. Kung sa mortal kasi ay dextrose ang kinakabit, sa amin naman at dugo nang hayop.




"We did a blood test and we found something. She's not a mortal, Luxrae. She's a vampire."


ZEIAH

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko. Tiningnan ko si King na hawak-hawak ang kamay ko. Naalala ko ang mga nangyari.





Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon