CHAPTER 40

50 3 0
                                    

Tumikhim ako at piniling umupo na lamang. Sa gilid ng mata ko ay kita ko ang paglapit ng dalawa sa kung saan ako naroon. Nagkamali ako nang isipin kong may balak silang lumapit sa pwesto ko. Nalimutan kong madadaanan nila ang gawi ko bago pa sila makapunta sa sarili nilang table.

I lifted my eyes only to see Cielo who is now carrying Ma'am Lovell's bag. Sinamahan niya ito hanggang sa makarating sa sariling table. Ma'am Lovell looked at me, I gave her a serious expression. Ngumiti siya nang payak sa akin ngunit ang tangi ko lamang na nagawa ay ang tumango sa kaniya. Ibinalik ko ang tingin sa lesson plan na balak nang ituloy ngayong araw. Kinuha ko iyon mula sa patas ng libro sa gilid ko lamang.

"Tinulugan mo ako kagabi! Grabe ka!" rinig kong sabi ni Cielo na noon ay bumalik na sa sariling upuan ngunit ang atensyon ay nasa babaeng nasa kaliwa. Tinikom ko nang mariin ang bibig, nangangati nang mag-angat ng tingin pero napigilan naman ang sarili.

"You said you're doing your lesson plan, aren't you? At isa pa, pinag-aaralan mo 'yong bagong lesson sa Math na ituturo mo ngayong araw, 'di ba? Hindi ka makakatapos kapag magkatawagan tayo, no!" Binato ni Ma'am Lovell ang lalaki nang lukot na papel. Cielo chuckled manishly when the crumpled paper bumped his chest.

"Makakatapos ako kahit na kausap kita," Cielo answered softly with a little hint of amusement. Nasa lesson plan man ang paningin, nakita ko pa rin sa gilid ng mata ang pagsandal ng lalaki sa upuan nito.

"Paano ka makakatapos e, I'm sure mauubos lang ang oras mo sa kadadaldal. Naku, Cielo! I know you better than anyone else does!" Sinabayan ni Ma'am Lovell ang maliliit na halakhak ng kausap na lalaki.

Nagpabalik-balik naman sa isip ko ang sinabi nito. She knew Cielo better than anyone else does? That also means she knew Cielo better than I do. Parang sampal ang mga salitang iyon sa akin ngunit alam kong wala naman sigurong intensyon si Ma'am Lovell na makasakit ng damdamin.

Ako lamang naman siguro ang masiyadong dinibdib ang sinabi. They continued giggling like they're the only person here. Nalimutan na yata ng dalawa na narito rin ako sa silid.

"I was actually having a hard time kagabi. Magpapatulong sana ako sa'yo."

Parang tenga ng kuneho ang mayroon ako nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam na may igagaling pa ako sa multitasking lalo na ngayong ang mata ko ay nasa lesson plan, ang tenga ay nasa dalawang nag-uusap sa gilid. Isa pa, hindi ko rin matandaan ang sariling naging ganito kainteresado sa usapan ng ibang tao.

Well, hindi naman siguro masamang makinig ako ngayon sa usapan nila. They are aware that I am here and might hear what they're talking about yet they didn't bother to tone down their voices. O baka naman ganito talaga sila mag-usap?

"Ay, kaya ka pala tumatawag sa akin kasi magpapatulong ka?" tanong pabalik ni Ma'am Lovell na sa gilid ng mata ko ay nakaupo na sa sariling swivel chair. Ngayon ay may kung ano na rin siyang ginagawa sa sariling table ngunit ipinagpapatuloy ang pakikipag-usap sa lalaki.

"Uh-huh..." On my peripheral vision, I saw Cielo crossed his legs. Bahagya niyang pinaikot-ikot ang inuupuang swivel chair habang ang atensiyon ay nasa babaeng nasa kaliwa lamang. "I'm actually planning to ask for help."

"Luh, sorry!" Tumawa-tawa si Ma'am Lovell sa napakarahan na paraaan. "I know you said you have things to do. Kaya noong tumawag ka, hindi ko na sinagot. Akala ko haharot ka lang, e!"

"You're cruel, Love." Umiling-iling si Cielo, animo'y may hinanakit sa kausap Hindi naman nakatakas sa pandinig ang paraan ng pagtawag niya sa babae.

I gave them a sideway glance to probe more. Mukhang nasa parehong pwesto pa rin ang dalawa at nanatiling nagpapalitan ng maliliit na halakhak.

"Sorry nga!"

He Who Never Liked A Girl BeforeKde žijí příběhy. Začni objevovat