CHAPTER 37

24 4 4
                                    

They say pain is temporary. If it's really temporary, I suddenly wonder when it will go and leave my heart? Because every passing days were painful just like any other day. Walang pinagkaiba ang mga naunang araw sa mga lumipas at darating pa.

Pumikit ako nang maramdaman ang marahang dampi ng hangin sa balat. Kakatwa dahil parang ang mumunting hagod niyon sa akin ay nangangahulugan ng pakikisimpatya at pang-aalo. I held my notebook tighter as the agonizing pain tortured my chest, the whole me. Sa hindi ko na mabilang na beses, nalunod na naman sa kalungkutan at pangungulila ang sistema. Ang parte sa akin na kahit papaano'y gustong iligtas ang sarili, hindi na nakaiwas dahil sa sunud-sunod at magkakaibang atake ng sakit. Pero ang lahat ng iyon ay natatagalan pa rin.

Staring at the empty void above comes a realization that the pain I've been feeling these days was not really bearable. Not really at all. Because the reason why I am not already complaining about this aches is because I'm already used to it. Ang pagramdam ng iba't-ibang atake ng sakit bawat araw ay hindi na masakit dahil ang puso ay sanay na sanay na na maramdaman iyon.

Pinagmasdan ko ang rosas na sa tagal nang nakaipit sa bawat pahina ng kwaderno ay nagsimula nang malanta. The petals were already dried just like a young love ruined by tragedies. Hinawakan ko rin ang hairclip na isang beses ko lamang yatang nagamit. Because that time, I was too shy to even wear it the next day he gave it to me. Napangiti ako nang maalala ang lahat ng pangyayaring nasa likod ng dalawang bagay na ito. Inipit kong muli ang mga iyon sa notebook at ibinalik sa dating pinaglagyan.

I let out a shaky sigh as I found myself minutes after that I am already reopening my social media accounts after all those months. Itanggi ko man, hindi ko pwedeng lokohin ang sarili. I can fool all the people around me but not myself for I know how deep the scars were on my heart and how critical the thoughts were sailing on my mind.

Sa nanginginig na kamay at tumatambol na puso, dinala ko ang sarili sa litrato ng lalaking iyon. Imbes na maibsan ang kaba, lalo pa itong lumala nang makita si Cielo, nakangiti nga sa litrato. He has changed and I'm sure, that's for good. Mas lalo siyang tumangkad at ang ngiti, mukhang mas malawak pa ngayon.

I probed on the other pictures, too. Naka-tag siya sa mga sumunod na litrato. Kasama niya sa litrato ang mga bagong kaibigan, lahat ay dayuhan sa akin. He is smiling ear to ear as I saw his hands on top of the shoulder of a girl just beside her. Kumirot ang puso ko sa nakita. Ang bawat parte ng puso ay parang pinipiga ngunit wala na yatang kahit na anong likido ang mailabas dahil sa nagdaang taon, patuloy ang pagdurugo niyon.

Pinagmasdan ko ang babaeng katabi at hindi ko maitangging maganda nga ang ngiti nito. Marami silang kasama sa bilugang mesa ngunit tila silang dalawa ang pinakamalapit sa lahat. I gulped as I removed my gaze on the picture. Ang sakit ay sumiklab kaya't mukhang nag-iinit na ang gilid ng mata.

"Mukhang...okay siya..." ang tanging naibulong ko para maalo ang sarili. At least...I've got to know that he is doing good now. Mukhang kahit siya, nakalimutan na ang nangyari. Walang anumang bakas ng kahit na anong lungkot ang mga mata at ngiti niya ngayon.

"Bakit parang...ako na lang ang nasasaktan?" Ramdam ko ang mabilis na pagtulo ng taksil na luha. Pagkatapos ay ang pagngiti naman nang mapait ang sumunod.

What do you expect, Cania? Umalis 'yong tao dahil itinaboy mo. You can't push people away then hate them after for leaving. When you push the person away, they tend to go.

Pinalis ko ang naglandas na luha at lumunok ng isang beses. At least, I know he's okay. That is what matters the most.

Lumapit na ako sa kama at nahiga na sa tabi ng natutulog na kapatid. I stared at the ceiling attentively like it holds the memories I've been keeping to myself all these years. Every seconds felt like minutes, minutes were as long as hours and the night seemed forever. Ipinikit ko na lamang ang mata at gaya ng mga nagdaang gabi, itinulog ko na lamang ang sakit.

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now