CHAPTER 35

30 4 10
                                    

Mixed emotions, few are not has been named or known already before, flowed on my veins like a spreading wildfire on my system. Kahit na anong gawin kong kumbinsi sa sariling hindi dapat ako maapektuhan, gumagawa pa rin ng paraan ang sakit para isampal sa akin ang libo-libong rason para maramdaman ang galit at hapdi ng sugat na hindi pa man tuluyang naghihilom ay dumugo na naman sa mas masakit pang dahilan.

I am wrong if I have been thinking that my painful years are gone. I am wrong when I thought that no one could possibly hurt me more painful than what I've experienced years ago. Ang akala ko, hindi na ako masasaktan ng ganito.

Ang akala ko, tamang pagkatiwalaan ko siya.

I thought that it's just fine if I let my heart open as long as he is the one who's going to enter it. As long as it is him who would see my scars which had left a remarkable mark for who I am today. Ang akala ko, pwede siyang pagkatiwalaan dahil sa loob ng maikling panahon na nakasama ko siya, puro totoong bagay ang ipinakita at ipinadama niya sa akin. Wala akong nakitang kahit na anong pagpapanggap o kahit na anong plano mula sa kaniya na may balak siyang saktan ako sa huli.

Wala nga ba? Or am I that too distracted with my feelings for him that I cannot even notice that he's up for something? Masiyado ba akong naaliw sa bawat pagngiti niya kaya hindi ko na naisip na maaaring ang bawat pagkurba niyon ang susugat sa akin kalaunan? O baka masiyado akong nagpadala sa bawat pagkislap ng mata niya kaya't nawala sa isip ko ang posibilidad na maaaring ang pares na iyon ang lumunod rin sa akin pagkatapos?

Bakit hindi ko napansin na may dala siyang patalim na susugat sa akin sa huli? Bakit nahulog ako sa isang taong pinaniwala akong ako nga ang gusto pero hindi naman totoo? Bakit?

I should be hurt and mad. Bakit hindi? Pinaniwala niya ako na ako ang gusto niya. Pinaniwala niya akong totoo ang sinasabi at nararamdaman niya sa akin. At kung sakaling itinanggi niya iyon kanina...alam ko na kalahating porsiyento sa akin ang mananatiling umaasa na ako nga ang gusto niya. Na sinsero ang lahat ng sinabi at pinaramdam niya sa akin.

That...he didn't use me to execute his plans.

Isang pag-angat ng dibdib para sa mabigat na paghinga ay naramdaman ko ang pamilyar na kirot. I have been ignoring the pain since last night. Since I saw the picture. At pigilan ko man, nagagawa ko pa ring isiping totoo nga ang hinala ng lahat. He can't just deny it.

"Cania, hindi naman siguro magagawa ni Cielo sa'yo 'yon..."

Siguro. Maging siya, hindi sigurado. I am, too. Pero ang isip ko ngayon ay tila okupado na ng isang hinala na kanina'y hindi niya nagawang itanggi. Baka naman kasi...totoo nga. Iniiwasan ko lamang na intindihin ang hinala para mabawasan ang sakit.

"Cania, mag-usap muna kayo. Kawawa naman 'yong tao."

Ako? Hindi kawawa? Siya lang ba ang nasaktan? Oh well, that is what they knew. That I am not hurt or even affected at all. Gusto kong ngumiti nang sarkastiko.

Here we go again. Cania and her incredible ability of bottling up her emotions. Si Cielo ang kinakaawaan ng lahat kahit na ang totoo, ako ang mas may karapatan na umiyak at manlimos ng simpatya para sa akin.

But of course, I won't do that. My ego is poor and it can't afford crying over mercy. Tamang ako na lamang ang makaalam ng sariling nararamdaman. Dahil sa huli, ako rin lang naman ang matitira para aluin ang sarili.

"Kausapin mo na muna, Cania. Nagmamakaawa na 'yong tao..."

Itinikom ko nang mariin ang bibig at huminto sa paglalakad, hindi para hintayin ang taong pinag-uusapan kundi para pumara ng sasakyan. My heart is pounding so hard that I can't seem to find even my ability to speak. Gustong kumalawa ng mga salita sa akin gaya ng sari-saring emosyon ko pero sa kabila ng kagustuhan, walang nagtangkang lumabas.

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now