CHAPTER 22

25 5 3
                                    

"Uy, paano? Bukas na lang ulit, ha?" Giada tapped my shoulder as she bid goodbye. Tumawa siya sa akin nang makita ang iritasyon ko nang guluhin niya ang aking buhok. "Sungit talaga!" Isang halakhak pang muli niya at nalaglag na mula sa kaniyang hawak ang malaking diorama na hawak.

"Hala! Sorry!" She gasped and immediately attented our pitiful project. Kami ang magkapareha at magkasamang gumawa niyon.

"Tsk," angil ko at dinaluhan siya. Pinulot ko ang iilang popsicle sticks na nakalas na mula sa pagkakadikit sa kahon. Those were what we used as the fence of the house.

"Okay lang 'yan, Cania! Napa-check-an na naman natin 'yan! Hindi na rin naman lugi dahil 98 ang grade natin!" Tumawa siyang muli ngunit naging hilaw rin nang makita ang pagkakunot ng noo ko.

"Still, we should still have to look after it."

"Oo na po! Sorry po!" aniya at natatawang binuhat muli ang diorama.

Ngayon na lamang ulit kami nagsabay sa paglalakad. Sabay naming tinahak ang daan hanggang sa may kanto. From here, we are going on separate ways. Her house is located meters away from the market. Samantalang ang bahay naman namin ay may kalayuan mula sa paaralan. Kailangan pang daanan ang paaralang elementarya ng Magsula, ang basketball court, ang simbahan, ang daang napaliligiran ng matataas at nakayuko nang kawayan bago pa marating ang aming tahanan.

That is the main reason why Lolo is fond of taking me to school every morning using his motorcycle. Nga lang, may mga bagay siyang iniitindi tuwing hapon kaya hindi na ako nasusundo mula sa paaralan. I don't have a grudge about that. Ang may kalayuang distansiya mula dito hanggang sa bahay ay hindi na bago sa akin. I just hope Lolo will stop working. Madalas siyang napapagalitan ng mga tita ko dahil doon. They are worried about my Lolo's health. Ganoon din naman ako kaya mas pinipili na lamang na maglakad tuwing hapon.

Marami din naman akong kasabay na ilang estudyanteng may parehong direksiyon gaya ng sa akin. Nga lang, I don't usually join their flock. I prefer walking alone, distracting myself with the movements of the flowrers and tall grasses in either side of the road, dancing with the wind's clemency. May mga dumadaan din namang tricycle na maaari ko sanang sakyan ngunit bilang lamang ang mga iyon. Isa pa, palagi'y okupado iyon ng mga estudyanteng nagmula pa sa kabilang barangay.

"Huwag mong kalimutang dalhin ang garden tool bukas, Cania, ha?" Nang sana'y mahuhulog muli ang hawak na diorama ay napangiti siya nang malawak sa akin, halos hilaw. Napakunot ang noo ko, hindi dahil sa muntik nang mahulog ang hawak na proyekto kundi sa kasasabi niya lamang na pahayag.

"It's only Wednesday tomorrow, Giada."

"Huh? Martes pa lang ba ngayon?" muli niyang tanong habang siya ay nasa kabilang bahagi na ng daan. I reached out for the strap of my bag and let out a sigh of impatience for the nosy girl in front of me who tend to forget the date today and tomorrow but can actually remember every details of what she heard in the grapevine.

"Oo, Giada."

"Martes pa lang pala ngayon..." aniya, animo'y hinihintay pang bumagsak sa kaniya ang reyalisasyon. "Nalilito na nga ako sa mga araw. Palagi naman kasing 75 ang grade ko sa T.L.E tuwing araw ng gardening," sunud-sunod niyang litanya kahit alam ko na naman ang lahat ng iyon. I can hear the teacher's rants about her especially that I sit just behind her.

"Ano kaya kung i-chat mo o i-text mo na lang ako tuwing Huwebes nang maaga para ipaalalang magga-garden tayo? Palagi ko talagang nalilimutan, Cania, e!"

I sighed. "Sige."

"Ayan, thank you! Hintayin ko ang text mo, ah?" pangungulit pa niya, naninigurado.

"Sige na."

"Ah! Tapos dalhin mo na rin sa mismong araw 'yong dulos na hinihiram ko kay Lola Imelda, ha? Mabait naman iyon sa akin, e!"

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now