CHAPTER 25

22 4 0
                                    

"Dito na tayo dumaan, Cania! Sige na! Mauunahan na tayo ng kabilang grupo!" Hinihigit niya ang kamay ko at wala akong nagawa kundi ang magpatianod. Ilang beses akong napabundol sa balikat ng mga kaklaseng papunta na rin sa stage.

Lips pressed together, I walked just behind Giada. Gusto mang magreklamo, pinigilan ko ang sariling gawin iyon lalo na nang namataan na ang lalaking ilang araw nang iniiwasan. Sa malayo pa lamang ay napako na sa akin ang tingin niya, parang isang himala ang makita ako ngayon dito sa labas.

The nervousness spread to my system like a wildfire. Tinupok ng apoy na iyon ang ilang araw kong inipon na lakas para makita siya. At ngayong papalapit na ako sa direksiyon niya, hindi pa man nakararating sa patutunguhan ay malapit na yatang panawan ng malay.

I sighed the nervousness and mentally shook my head. Nasa labas din sila ngayon, mukhag nag-eensayo para sa reporting dahil nakita kong may dala siyang libro. But he just stared at my face like he's reading me. It's as if the book in his hands is nothing but a joke.

"Ie-explain mo 'yong pangatlong paragraph. Pagkatapos ipi-play natin 'tong video para mas ma-gets nila. Baka kasi hindi hindi nila maintindihan kapag pinaliwanag lang," rinig kong sabi ng isa niyang kagrupo. Nakaupo sila ngayon sa gitnang parte ng hardin na nasa harap lamang ng kanilang classroom. Samantalang ako ay dadaan sa pagitan ng silid-aralan nila at ng hardin kung saan sila ngayon nakaupo.

"Buksan mo nga 'yang laptop, Cielo. Check natin 'yong video." But he seemed unaware that his classmate is commanding him. He just stared at me stupidly, more likely analyzing if I was real or just an apparition.

"Cielo? Hoy, Cielo! Gising!"

"H-ha?"

"Paki-check kako ng video diyan sa laptop."

Aligaga niyang binuksan iyon ngunit hindi pa man nagtatatlong segundong nakatingin doon ay bumalik muli ang sulyap sa akin. I retrieved my gaze on him and pretended like I didn't see him. Nakaakyat na't lahat sa stage, nanlalamig pa rin ang kamay ko.

"Mag-aayos muna tayo ng stage tapos ang kalahating oras ay gugugulin sa pagpa-practice ng mga scenes!" deklara ni Giada nang tuluyan na kaming makumpleto. Hawak-hawak ang script sa kamay, nag-abang pa ako ng mga sasabihin niya. "Nadala ba 'yong mga pintura, Eman?"

She rummaged into the place and looked for our classmate she mentioned.

"Nandito na Giada! Sisimulan na ba?" Nagtaas ng kamay ang lalaking iyon.

"Ah, oo! Pakipinturahan na 'yong mga plastik na bulaklak. Pagkatapos, idikit na agad sa ginawang hagdan."

"Yong iba, tapusin na 'yong balkonahe. Gagamitin na natin 'yan mamaya!"

Tumayo na rin ako at nakihalubilo na sa mga kaklaseng hindi pa yata nag-iisang minuto bago dumating sa lugar ay abala na.

"Cania!" I looked at Giada. "Huwag ka nang tumulong diyan. Mag-memorize ka na lang ng script!" Tuluyan na akong lumapit sa kaniya.

"Hindi na. Na-memorize ko na ang ilan kagabi. It feels so wrong that I'm just standing here while everyone is in crunch time."

"E, okay lang ba, Cania?"

I nodded at her. Ang script na nasa kamay ay itinupi ko na muna. Days from now and we'll surely work against the clock so better lend a hand. Isa pa ay puro pagsasaulo lang ng mga linya ang ginawa ko nitong mga nakaraang araw.

"Giada! Nasaan 'yong ibang plastic na bulaklak? Akala ko ba nandito na?" Naalis sa akin ang tingin niya para sulyapan ang kaklase naming mukhang may hinahanap.

"Ay wala ba diyan?"

"Wala, e!"

Bumaling sa akin si Giada at aligagang nagsalita.

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now