CHAPTER 33

22 4 4
                                    

"Cania, hindi mo ba ako mami-miss?"

"Hindi." Pumasok na ako sa loob ng tricycle. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Cielo si manong pero mukhang naghihintay pa ito ng mga estudyanteng papauwi na rin.

Cielo crouched to take a look on me. Ako pa lamang ang nasa loob ng tricycle, ang ibang estudyanteng sasakay rin ay hinihintay pa.

"Final na 'yan? 'Di mo talaga ako mami-miss?" tawad niya at nanatiling nakababa ang katawan para madungaw ako. Ang tricycle driver ay wala pa rin sa sasakyan, bibili lang daw muna ng sigarilyo.

"Hindi. Bakit kita mami-miss?" Kinabig agad ng dibdib ang salitang tinulak ng bibig.

"E, kasi crush mo ako?"

"Asa ka." Kunwari kong inayos ang mga librong nasa kandungan. Sinalo niya pa ang isang librong muntik nang mahulog at tinulungan akong iayos iyon sa pwesto.

"Sus! Umamin ka na, Cania!" The side of his lips rose playfully, eyebrows raised. "Pwede mo pa akong hindi payagang sumama sa kanila."

I glanced at his classmates. Nagtitipon-tipon na ang mga kaklase niya sa labas ng gate, katabi ng sasakyang magdadala sa kanila sa lugar. It seems like they are not yet completed that's why they are still waiting for the others. Kaya rin nandito si Cielo at nangungulit.

"Pwede naman akong hindi na lang sumama sa kanila. I won't come if you say so." He gave me a half shrug. My eyebrows drew together at his suggestion.

"Bakit naman kita pagbabawalan? At bakit kailangang sa akin ka humingi ng permiso tungkol sa pagpunta mo sa outing ninyo? Hindi ba't sa mga magulang mo ka dapat magpaalam? Anak ba kita?"

Natawa siya sa sunud-sunod kong tanong. Umupo siya sa sahig ng tricycle at nilingon ako.

"E, kasi po...mahalaga sa akin ang opinyon mo." Magaang pinindot niya ang dulo ng ilong ko. "Atsaka, hindi ka ba mag-aalala sa akin? Gagabihin ako doon."

"Natural. Night swimming nga, e."

"Di ka worried? Maraming chicks do'n..." he trailed off. "Saka marami ding boys."

My left eyebrow raised in a sudden. Tumatak sa akin ang pangalawa niyang sinabi. Siya naman, mukhang naaaliw sa napapanuod na reaksyon sa akin.

"I can remember the last time you told me you can't be attracted to boys since...you met me." My voice became too tiny while uttering the last three words. Nakararamdam kasi ng hiya.

He seemed to be enjoying what I just replied. He tried to contain his laughters but he just couldn't. Sa huli ay kumawala pa rin ang mga halakhak niya, naaaliw.

"Oo, sinabi ko nga 'yon..." Bakas pa rin ang ngiti niya.

"Oh? Bakit pala ako mag-aalala?"

"I heard bibili sila ng alak mamaya." Hininaan niya ang boses.

"Hey...that's not allowed."

"Bawal akong uminom? Pagbawalan mo ako." Hindi pa rin nawawala ang mapaglaro niyang ngiti.

"Lahat kayo, bawal uminom. You are all still a minor. At ikaw? You drink?"

"Yes, I drink, Cania. Ngayon, kung ayaw mo akong uminom, pagbawalan mo ako." Nagkibit-balikat siya sa akin. Gusto ko ang sinabi niya, ngunit sa huli ay tinanggihan ang sariling iniisip. Why would I not allow him to drink in the first place? Malaki na siya. And I am not his parent.

"Bahala ka kung iinom ka. Buhay mo 'yan." Nag-iwas ako ng tingin at namataan ang tricycle driver na pabalik na sa sasakyan. Sa pagitan ng kaniyang hintuturo at hilalaki ay nakaipit ang sigarilyong malapit nang mawalan ng sindi.

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now