CHAPTER 1

407 164 4
                                    

"Did you accepted the offer?"

Mainit ang hapong iyon, kasing-init ng hapon ng mga nagdaang araw. I fixed my eyeglasses before lifting my gaze to Eiji who's currently standing in front of me. Bahagyang nanliit ang mata ko nang tuluyang makasagupa ang nakasisilaw na init ng araw. Mayroon namang mga punong nakapaligid sa mga benches sa tabi ng hindi ganoon kalawak na ground pero hindi pa rin sapat iyon upang tuluyang matabunan ang nakapapasong sinag ng araw.

Ang tinutukoy marahil ni Eiji ay iyong sadya ni Mrs. Trinidad upang ipatawag ako kahapon. I can notice him yesterday that he's been giving me a few glances. Ito marahil ang gusto niyang itanong.

"Bakit ko naman tatanggihan iyon?"

Nag-iwas siya ng tingin. Nang hindi ko na makayanan ay idinikit ko sa noo ang gilid ng palad bilang pantapon sa sinag ng araw na hindi man diretsong nakatutok sa akin ay nakasisilaw pa rin. Nanatili akong nakatingala sa kaniya, naghihintay ng kaniyang sasabihin.

He cleared his throat and met my gaze again before replying, "I just thought you would reject the offer after...what happened."

Napaubo si Giada na nakaupo sa tapat ko. I know she intended to cough that loud. Nang mapatingin kami pareho sa kaniya ay mabilis siyang tumikhim, nagkamot ng batok at tumingin sa malayo.

"Ang kati ng lalamunan ko, grabe." Tumikhim pa muli siya nang pilit, bago pa tuluyang nanahimik ngunit batid kong patuloy pa ang pakikinig sa usapan.

I know the next thing she'll do. She'll bombard me with questions after what she heard. For sure, the curiosity is devouring her whole system by now. Ang tanging nagpipingil lamang sa kaniya na magtanong ay ang presensya ng kasalukuyan kong kausap.

"I didn't decline it, Eiji. If that is what you wanted to know."

A sudden relief was depicted on his facade for a second. Then his usual expression found its way again and immediately came back to his face. With his eyebrow sloped down in a serious expression, I know this is the end of our conversation for today. Bahagya akong nalungkot sa naisip.

"Okay, then." Pinal niyang saad at handa na akong alisin sa kaniya ang paningin nang nakarinig pa ako sa kaniya ng pagtikhim.

"Baka gusto mo munang umupo, Eiji." Si Giada, mukhang nagmamagandang-loob pero alam ko ang gusto niyang mangyari. She enjoys seeing me trying hard to act normal in front of Eiji. And behind that silly expression, I know she just wanted to fish for more information.

I know what you're doing, woman.

"Hindi na. Hindi naman ako magtatagal." Nanatili akong nakatingala kay Eiji. Somehow, his height blocked the warm ambiance from the sun. Pinanatili ko ang tingin sa kaniya, hindi alintana ang nararamdamang ngalay sa batok.

"We'll study in our house if that's okay with you, Caledonia. At 'yon ay kung hindi ka aalis sa inyo ngayong sembreak."

"I will spend the Christmas break here, Eiji. At kung sa inyo tayo mag-aaral para sa MMC, walang problema."

"That's great. Dad can help us. You know he's good in Math. He's a Math teacher after all."

Tumango ako sa sinabi niya. Indeed, we'll learn more if there's someone that will guide us. Though Eiji is really good in Math, we still need someone who's knowledgeable enough to check if we're really doing the right thing.

"Alright." Sa pag-aakalang doon na talaga nagtatapos ang usapan, tinangka kong bumalik sa dating ayos gaya noong bago pa man siya dumating dito. Pero naudlot iyon nang dinugsungan niya ang sasabihin ng mga salitang inakala kong hindi na darating pa.

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now