CHAPTER 34

20 4 2
                                    

Hindi ko alam kung anong oras ako natulog o kung nakatulog nga ako. Gumising ako kinabukasan sa isang mensahe ni Cielo pero hindi niyon napaangat man lang kung ano man ang nakadagan sa dibdib ko.

Cielo: Cania, mag-usap tayo, please?

I stared at the message for a few minutes. Wala akong balak reply-an iyon o kung dapat pa bang gawin iyon. Magulo ang utak ko at hindi pa rin makapaniwala sa nakita kagabi. May sumagi na isip ko na konklusiyon ngunit masakit iyon kaya tinanggihan ko na lamang na maiproseso. I don't want to think ill of him but I can't just avoid doing so. Ang litrato ay malinaw kong nakita, nagtagal at sariwa pa sa isip ko.

He can't just deny the fact that he kissed Eiji. Nakahilig at nakahawak pa siya sa kwelyo ng lalaki. Kapag naaalala ko ang litrato ay sabay na nadudurog ang puso ko at nabubuo ang matataas na pader na kagabi'y nanganganib nang matumba.

Wala ako sa sarili nang ihanda ko ang sarili sa pagpasok. I couldn't utter any words. Naipon ang lahat ng iyon sa isip ko, iniingatang sumabog. Ramdam ko ang bigat ng dibdib at ang panghihina pero hindi ako dapat pangunahan ng lahat ng iyon.

Nilunok ko ang nagbarang bukol sa lalamunan bago ihakbang ang mga paa papasok ng paaralan. I can notice that some of the student's eyes were on me. Inalisa ko kung anong ekspresyon ang mababasa sa kanila. Ngunit naramdaman ko agad ang pait nang makitaan ko ang mga tingin nila ng pananantiya at simpatya.

Why are they looking at me like that? Pareho ba kami ng iniisip?

I removed my gaze on them and just directed it on the logbook. Habang sinusulat ko ang pangalan ko doon ay rinig ko ang mahinang pag-uusap ng ilang estudyante na noo'y naglilinis sa likod ng guardhouse.

Lips set in a grim line, I decided to listen to them. Mukhang pinag-uusapan nila ang parehong bagay na laman din ng isip ko hanggang ngayon.

"Oh? Talaga?"

"Oo kaya! Kasama si Ate sa outing nila kagabi. Dumating daw si Eiji para sunduin na 'yong pinsan niyang si Eunice."

Naantala ang pagwawalis nila ng mga dahon sa lugar. Nanatili ang tingin ko sa logbook, hindi pa tapos na isulat ang pangalan doon at ang oras ng pagdating. I suddenly came over all weak while listening to this girls. Maybe...I would learn the truth from this. Nanatili akong tahimik sa kinatatayuan ko at nanatili ang mata sa makapal na sulatan samantalang ang pandinig ay sa mga nag-uusap naman nagtigil.

"Oh, anong nangyari? Bakit nagkagano'n?"

"Hindi rin alam ni Ate. Basta huli na nang namalayan nila na nawawala pareho sina Cielo at Eiji. The next thing they knew, nasa group chat na ang picture ng dalawa na naghahalikan," mahinang bulong noong isa na hininaan man ay narinig ko pa rin.

"Totoo ba naman 'yan? Baka edited lang 'yong pictures!"

"Anong edited? E, hindi naman malayong magawa 'yan ni Cielo kasi 'di ba..." mas hininaan ng nagsasalita ang boses. "Bakla 'yon?"

Naramdaman ko ang pagkulo ng dugo matapos marinig ang sinabi ng babaeng iyon. I don't like the way he criticize Cielo. Lalabas na sana ako mula sa pwesto nang marinig ko pa ang pangalan ko sa usapan.

"Teka lang...'Di ba si Cania naman ang nililigawan ni Cielo?"

"Oo nga! Madalas ko ngang makitang magkasabay ang dalawang 'yon. Akala ko nga mali talaga ako ng iniisip na bakla si Cielo, e! Kasi...marunong naman siyang manligaw ng babae! Ang alam ko pa nga inimbita ni Cielo si Cania noong birthday niya tapos hinatid din noong umuwi na."

I pressed my lips together. Alam kong anumang minuto simula ngayon ay maririnig ko na ang hinalang nabubuo sa isip.

"Don't you get it?"

He Who Never Liked A Girl BeforeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora