CHAPTER 30

20 4 2
                                    

"Go hence, to have more talk of these sad things. Some shall be pardoned, and some punished. For never was a story of more woe than this of Juliet and his Romeo." Nagpalakpakan ang mga manonood matapos sabihin ng gumanap na Prince Escalus ang huling linya.

"Alam mo? Bagay kayo ni Eiji..." Nagkibit-balikat si Cielo nang hindi ako tinitignan. Kumurap-kurap siya at uminom sa hawak na buko juice.

"Paano mo nasabi?" Kumunot ang noo ko nang hindi pa rin siya lumilingon sa akin. Sa huli ay iniwas ko sa kaniya ang tingin at piniling kumagat na lamang sa hawak na barbeque.

"Nakikita ko...kanina..." pabulong niyang sinabi. "Alam mo...mukhang nakikita ko na kung bakit mo nagustuhan si Eiji." Ngumiti siya nang payak, malamlam ang mata.

"Kasi...halos perpekto siyang lalaki." Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Ako naman, nanatiling nakatingin sa kaniya, hinahanap ang kaniyang punto para sabihin sa akin ang mga bagay na ito. "Siya iyong tipo ng lalaking paparangapin ng bawat babae. Ikaw, Cania..." Nakapupukaw ng damdamin ang malamlam niyang mata. "Isa ka ba sa mga babaeng pinapangarap siya?"

Nag-angat ako ng gilid ng labi at piniling umiling sa tanong ng kausap.

"Hindi ako kabilang sa mga babaeng tinutukoy mo."

"You like him, don't you?" pagtukoy niya kay Eiji. Matapang niyang sinalubong ang tingin ko, bakas man ang alinlangan doon.

"Yes..." Kita ko ang unti-unting pagguhit ng mapait na ngiti sa kaniyang labi. I don't know how he looked even more attractive with that kind of miserable expression. "Dati," dugsong ko dahilan para magbago ang kaniyang ekspresyon.

"Dati?"

"I liked him. But that was before." Before I noticed you, your smile, and your brown eyes. That was before. Before I could even notice that you're actually existing.

"Caledonia, sumabay ka na sa amin." Hindi na namin namalayan ang biglaang paghinto ng sasakyan sa tabi lamang ng nilalakaran namin. Nagkatinginan kami ni Cielo, hindi ko mapangalanan ang ekspresyon.

"Hindi na." Nang sabihin ko iyon ay pinasadahan ni Eiji ang hawak naming pagkain, barbeque sa kaliwa, buko juice sa kanan. His lips set into a stern line as he stared at these stuffs were holding. Pagkatapos ay ibinaling niya sa amin ang tingin na lagi'y mukhang nagagalit kahit sa normal lamang na sitwasyon.

"Seriously, Caledonia? You prefer walking with that guy?" Kumunot ang noo ko, hindi nagustuhan ang kaniyang sinabi. I'm respecting him but I can't bear hearing him, insulting Cielo like this. Maging ang tono niya ay hindi maganda sa pandinig. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong ibinaba ng Daddy niya ang bintana sa driver seat.

Mariin kong tinikom ang bibig, pinipili ang mga salitang sasabihin.

"Yes, I'd rather walk with him. Thank you."

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko, hija." Napahalakhak nang mahina at pilit ang Daddy niya. Bumaling ako sa kaniya at hindi ko alam kung papaanong tutugunan ang palakaibigang ngiti nito na hindi namana ng anak. Sa huli ay tumango ako at ngumiti nang payak bilang respeto.

"Sure ka na ba, hija?" Tinignan niya si Eiji na noo'y akmang aalma. Ibinalik niya sa akin ang tingin at ngumiti.

"Opo. Salamat po."

"Tsk." Nakitaan ko ng pagtutol si Eiji nang sandaling umandar na ulit ang sasakyan. Nga lang, wala na siyang nagawa lalo na't halata ang disgusto ng ama sa pinakita niyang asal kanina.

"Don't mind what he said." Nagsalita na ako nang makita ko ang pagbagsak ng balikat ni Cielo. The silence was about to reign but I can't refrain myself from talking even if he's not really asking any words from me. Maging ako ay hindi ko rin matukoy ang dahilan kung bakit iyon nasabi.

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now