CHAPTER 28

17 4 2
                                    

"Ibabalik ko lang sana 'tong panyo, Cania." He affixed a timid smile to his face. He rubbed his nape with his left hand and lent me the handkerchief using the right. Nagtagal ang tingin ko sa panyong inilalahad niya pabalik sa akin.

"Hindi na," simple kong saad at nilingon ang gawi ni Giada na titig na titig sa amin. She even flashed a playful grin. Nasa harap kami ng classroom, katabi ng bintana. Sa pagitan ng mga iyon ay nakikita ko si Giada, ngayon naman ay may itinuturo na sa akin.

I traced where she's pointing her index finger at. Nang matalunton ang itinuturo niya ay nakita ko agad ang tinutukoy. Eiji is watching us while using his laptop. Nang magtagpo ang mata namin ay hindi siya nag-iwas ng tingin, nanatiling mariin iyon. In the end, I removed my gaze from him.

"H-ha?" Nalilitong nagtanong muli si Cielo.

"Sa'yo na 'yan."

Burning with curiosity, he fired another question. "B-bakit?"

"Anong bakit? Kailangan bang may dahilan?"

"O-oo naman! Pwedeng binibigay mo sa akin 'to kasi crush mo ako?" Ngumiti siya sa akin, may halong pananantiya at pang-aasar. Nagtaas ako ng kilay at pinigilan ang sariling umirap.

"Asa ka."

"E, bakit mo nga sa akin 'to binibigay? Trip mo lang, gano'n?"

"Mas kailangan mo 'yan." Kunot-noo akong nag-iwas ng tingin. "Palagi ka kasing umiiyak."

"Sus! Ang sabihin mo concerned ka lang sa akin! Sabihin mo na lang kasi kung crush mo na ako. Marunong naman akong mag-crushback..."

Dumadaan ang mga estudyanteng kung hindi papasok sa room namin ay papunta naman sa library. It is breaktime, so they can freely wander around. Sa pagitan ng mga bintana ay nakita ko ang mga kaklaseng kuryosong nakatingin sa gawi namin. Nang makitang pinagmamasdan ko sila ay nag-iwas din ng tingin.

"Umalis ka na." Nang akmang aalis na ako sa harap niya ay agad siyang gumalaw para pigilan ako. Napatigil ako at nag-angat ng tingin sa kaniya.

Hindi na gaanong kahalata ang mga pasa sa kaniyang mukha. I gritted my teeth silently as I remembered what happened. Nakaramdam lalo ako ng inis sa kaalamang pinalampas lamang ng lalaking ito ang nangyari. Those guys deserved to be punished. And he deserved to be respected.

He will just fall prey to his own kindness.

"T-teka lang, Cania!"

"Ano na naman ba?"

"I've been asking you for this weeks from now. Palagi rin akong bumabalik dito para makuha 'yon mula sa'yo..." He rubbed his nape again.

"Ano 'yon?"

"This time, pwede na bang hingin ang number mo, Cania?"

"E, 'di ako naman ang nawalan?"

He laughed sarcastically. Pagkatapos ay ngumiwi siya sa akin.

"Wala ka talagang talent sa pagjo-joke, Cania." Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Walang humor!"

Yesterday, I asked Giada if it's okay to give your number to someone who's not that close to you.

"Sino bang humihingi?" Uminom siya ng juice at nang siguro'y matanto kung sino ang tinutukoy ko ay ayan na agad ang malawak at nang-aasar niyang ngiti. "Itago na lang ba natin sa pangalang Cielo?"

My forehead creased, doubting if asking her about this matter is the right thing to do. O baka kasama ito sa mga maling desisyong nagawa ko sa buhay?

"Ano ka ba, Cania? Okay lang 'yan, 'no! That's normal!" Sumubo siya ng pagkain at hindi pa tuluyang nangunguya iyon nang maayos ay nagsalita na naman. As an outcome, her voice muffled as she said:

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now