CHAPTER 4

274 135 1
                                    

"Tignan mo si Cielo, oh! Ang gwapo!"

I arched my eyebrow when I overheard that murmur from somewhere. Bahagya akong tumingin sa gilid ko upang makita kung sino iyon. There, I saw Risty talking to Giada. Si Giada ay napatingin sa akin nang nahuli akong tumitingin sa gawi nila. She gave me her scandalous smile.

Iniwas ko sa kanila ang tingin at ipinokus na lamang iyon sa una. She must be thinking that I'm interested on what they're currently talking about. Ang totoo ay nasa tabi ko lamang sila at malakas ang pagkakabulong ni Risty kaya nakuha no'n ang atensiyon ko.

That's all.

"Ay, shet!" On my periphery, I saw Risty gaped and covered her mouth. Lumapit siya sa akin at ibinahagi ang iniisip. Inilapit niya ang bibig sa tenga ko at natutuwang bumulong.

"Ang gwapo pala ni Cielo?"

Idinistansiya ko ang sarili kay Risty. It would be shameful if Cielo will overhear what she said. He may think that I'm drooling over him or dreaming about him. Now that Cielo is sweating, I understand Risty. Mahirap ngang iiwas ang tingin dito. Tumikhim ako at biglaang nakaramdam ng kahihiyan sa huling ideyang pumasok sa isipan.

Nang napunta sa gawi namin ang tingin ng trainor ay napalayo din sa akin si Risty. Tumayo siya nang tuwid at nagseryoso sa warm-up exercise. I followed the steps given by the leaders in front. I took a peek on Giada. Natanto kong kanina pa siya nakatingin sa akin at nararamdaman ko nang pauulanan na naman niya ako ng mga tanong.

She can't just move on from what she witnessed last Friday. Dalawang araw na mula nang simulan namin ang pag-eensayo para sa presentation ngunit pare-parehong tanong pa rin ang ibinabato niya sa akin.

"What was that for, Cania?" Giada exaggeratedly asked through the telephone. Ilang beses niyang tinangkang itanong ang tungkol sa bagay na iyon ngunit wala pa rin siyang nahihitang sagot sa akin.

"Ang alin?"

"The flower!"

Sabado ng tanghali iyon. Nag-angat ako ng tingin sa malapad na kaparangan na matatanaw mula sa bintana. I inhaled and cherish the afternoon breeze as the north-east wind blew my hair.

"Ano na naman ba ang tungkol doon?"

"Didn't you know what it implies when a guy gave a woman a red rose?" Napatitig ako sa kawalan at hinayaang hampasin ng mabining hangin ang buhok. Kumunot ang noo ko at ilang beses iniwasan ang kaisipang nabubuo sa isip. Kahit pa may ideya ako sa sinasabi ng kaibigan ay nanatili akong tahimik at hinayaang siya muli ang magsalita.

Nang marahil ay matantong wala akong balak sumagot ay nagpatuloy si Giada.

"A red rose is used to send the message of love, Cania! Does it now mean Cielo likes- I mean loves you?"

She freed several barks of laughter through the cellphone. Umangat ang gilid ng labi ko at halos mapangiwi sa sinabi ng kaibigan.

"Ano ba 'yang iniisip mo, Giada? You silly woman. Pwedeng magbigay ng rosas sa kahit na sino para maipahayag ang pagmamahal. Pwede ring sa mga magulang, sa mga kakilala o kaya naman sa isang...kaibigan." Halos pabulong kong sinabi ang huling salita.

"Parang ang pait Cania, ah? Huwag ka nang malungkot! Maybe Cielo really likes you! Halata naman." Tumawa siya at kahit pa hindi siya kaharap ngayon ay nai-imagine ko ang hitsura. Napairap ako sa kawalan sa sinabi ng kausap.

"Giada, don't assume someone's kindness. No matter how evident their actions are, don't conclude...unless otherwise stated." Hindi ko alam kung sa kausap o sa sarili sinasabi ang mga katagang iyon.

He Who Never Liked A Girl BeforeOnde histórias criam vida. Descubra agora