CHAPTER 23

30 5 4
                                    

It feels so fine to be with him while the sun is dipping lower in the sky. The heat of the day magically disappeared and now only exudes comforting warmth. I can feel the soothing breezes along with the music of the crickets as the colours of the sky had been drained away. It was as if the Creator suddenly changed His pallete.

Lito akong tumingin sa kausap na si Cielo. Napukaw ang interes ko sa huli niyang sinabi. He suddenly became serious and somewhat hesitant. Nanibago agad ako bagaman nagdududa kung sinsero ang ipinapakita niyang ekspresyon.

"I have feelings for you." May tumulong pawis sa kaniyang noo. Ang mga mata niya ay idinirekta sa akin kahit pa nakikita ang matinding kaba doon.

For an unknown reason, my lips suddenly rose for a smirk. Funny how I can still show him this mocking expression despite the lump on my throat. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. Basta naramdaman ko na lamang iyon na nakabara sa lalamunan ko, pinipigilan ang mga salitang gustong sabihin. My chest has gone wild like of those untamed beasts in the woods.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo," sa wakas ay nasambit ko. Mahapdi ang lalamunan ko, pinipilit na lunukin ang nakabarang bukol doon. "A month ago, you said you like me. At ngayon, mahal mo na agad ako? Ang rupok mo naman."

"T-totoo, Cania. Hindi 'to biro!"

"I am not even joking. Kung may nagbibiro man sa atin ngayon, malabong ako 'yon." Still with a smirk, I tilted my head. Sa halip na tignan nang diretso ang mga mata niya ay sinadya kong tignan na lamang ang kaniyang mukha, hinahanapan iyon ng anumang kapintasan. But I found myself lost, almost drawn in his picture-book features.

"Eh bakit parang hindi ka naniniwala sa sinasabi ko?"

"Name your feelings, then. Is that love, lust, or nothing but just an intense infatuation?" Kinabahan ako sa sariling tanong pero natatakot ako sa magiging sagot ng lalaking halata man ang nerbiyos ay pilit na sinasalubong ang aking tingin.

Lumunok siya, malayo na sa Cielo kanina na hindi kayang sukatin ang ngiti. Ang Cielo na nasa harap ko ngayon ay parang isang sundalong pinipilit na tumayo sa harap ng libo-libong kalaban. He's being so soft and strong and here I am, nearly bothered because that is a combination very few have mastered.

"M-mahal kita, C-cania..."

I held my breath upon hearing his brave declaration. Umiling ako sa kaharap, umaasang maitatago niyon ang kaba at pagkagulat. Napatitig ko sa kaniya, hindi na napigilan.

"Paano ka nakakasigurado?"

"K-kasi palagi kang nasa isip ko. Kahit pigilan ko ang sarili, palagi kitang hinahanap..."

Hindi ko alam kung sapat na bang rason iyon para masabing mahal mo nga ang isang tao. Hindi ko na mahanap ang sariling lohika, nakatitig lamang sa kausap at natagpuan lamang ang sariling nakikinig sa mga salita niyang nagsisilbing bahog para magkaroon ng lakas na magpaikot-ikot ang mga daga sa dibdib, ang mga paru-paro sa tiyan.

"A-alam mo bang nagseselos ako kay Eiji?" Kumurap-kurap siya. "I feel insecure whenever he's around. A-alam mo kung bakit?" He forced himself to smile. Huminga siya nang malalim at ilang beses pang kumurap-kurap bago nakipaglaban ulit ng titigan. "Kasi I know he's your ideal man. T-tapos hindi ba tinanong kita kung anong tipo mo sa lalaki? A-alam kong siya ang tinutukoy mo. Ang swerte niya, 'no? Nasa kaniya lahat 'yong hinahanap mo, e..." Inihalakhak niya ang kaba. His lips are somewhat trembling, almost fighting back his tears.

Why is he about to cry?

Now, I could see how soft as a person he is. He's a kind person whose heart breaks over shallow wounds on his knees. He's that someone who cries over sad endings to movies and tragic stories. He's always apologetical and honest. For sure, he's that someone who always has a kind smile for everyone even he's uncertain if he could get a smile back in return.

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now