CHAPTER 19

59 14 3
                                    

I woke up the next morning late. Yes. I woke up late. I don't know how it happened. Sanay naman akong gumising nang maaga lalo na kung may pasok pero iba ang nangyari ngayon. Nang tignan ko ang alarm clock ay napagtanto ko ngang sobra-sobra ang naging pagtulog ko.

The hours passed amazingly fast yesterday. Ilang sandali lamang ay nakikipag-usap pa ako sa maingay na lalaki na 'yon ngunit ng mga sumunod pang sandali ay natagpuan ko na ang sarili sa labas ng gate, hinihintay na lamang ang pag-alis ng nakangiting bisita.

"Cania, magkaiba ang suot mong tsinelas!" Tumawa siya at itinuro ang paa ko. Wala sa sarili din akong nagbaba ng tingin para tignan ang tsinelas na wala ko rin sa sariling isinuot.

My forehead furrowed when I had already confirmed that I'm indeed wearing an unmatched pair of slippers. Gusto kong matawa pero parang hindi na alam kung paano simulan o gawin iyon dahil ang utak ay hindi pa napoproseso ang nangyari kanina.

That crazy tutorial!

I also want to blame myself for letting me read and reply to those stupid chats of him. Imbes na magpahinga na para sa mahaba pang araw kinabukasan ay inabala ko pa ang sarili sa nakakaloko niyang mga mensahe. He's been telling me the ins and outs of happened when he's already home.

Cielo: Tinanong ako ni Mama kung saan ako pumunta. Ang sabi ko naman diyan lang kina Cania na masungit. 'Yong apo kako ni Lola Imelda at Lola Enso. Baka nangulit lang daw ako tapos tinanong niya kung ano daw ginawa ko sa inyo.

I immediately opened my eyes when I heard the notification, denoting that he had already replied. Iniangat ko ang cellphone na kaninang inilapag sa ibabaw ng dibdib at namumungay na ang mga matang binasa ang kaniyang mensahe. Isang pangahas at payak na ngiti ang kumurba sa akin nang mabasa ang mensaheng natanggap. Just when I was about to type a reply for him, my phone suddenly escaped from my grip and fell straight to my face.

"Aw..." I caressed the bridge of my nose for a moment. Naging mahina ang aking pagdaing, nangangambang magising ang katabing kapatid. Iniangat ko ulit ang cellphone at mahigpit na hinawakan na iyon ngayon.

Ako: Oh? Anong sabi mo?

Cielo: Sabi ko, tinuruan kita na ng tutorial sa tamang pagkain ng saging.

Ilang sandali akong napatitig sa screen at binasa nang mabuti ang reply niya. Now, that awful image of him flashed again on my mind. Halos mapangiwi ako roon at sumakit na ang mga mata sa kakairap. Is he serious that's what he told his mother? Isn't he ashamed of that?

Nasa gitna pa ng pag-iisip ng ire-reply ay nakita ko na agad ang tatlong tuldok na tumatalon. I didn't bother composed any message for him and wait for what he'll chat next.

Cielo: Uy, joke lang! 'To naman!

Cielo: Sana natandaan mo 'yong mga naituro ko kanina. Kasi ia-apply mo 'yan soon! Hahahaha! Can't wait.

Kumunot ang noo ko. Walang mahirap sa pagkain ng saging. Pinahirap niya lang kanina.

Pagkaarte!

Nang hindi pa rin ako nag-reply ay nakita ko ulit ang senyales na nagtitipa siyang muli ng panibagong mensahe.

Cielo: Joke lang, Cania! Takot ako baka bigla mo na lang akong i-block. Ang tagal ko pa namang hinintay na matanggap mo na friends lang tayo!

Ako: Sira.

Ibinaba kong muli ang cellphone. I closed my eyes, thinking that I'm just going to open it again when there's another message from him. Ilang sandali pa akong nakapikit, hinihintay na tumunog ang cellphone ngunit ng sandaling nagmulat ako ng mata ay umaga na! I didn't know I have already drifted to dreamland.

He Who Never Liked A Girl BeforeWhere stories live. Discover now